Sa kabila ng pagpasok sa mainit na panahon, ang Covid ay patuloy ang pagkalat. Sa katunayan, sa maraming mga bansa, kabilang ang Italya, ay nagsisimula muli ang pagtaas ng mga kaso. Ang pangunahing dahilan ay isang bagong sub-variant ng Omicron, na tinatawag na BA.5, na ayon sa mga pag-aaral ay mas nakakahawa kaysa sa iba.
Kung bihira ang reinfection hatid ng Covid sa nakaraan, sa Omicron ngayon ay naitala ang mas madalas na reinfection. At kahit ang mga bakunado ay posibleng mababa na rin ang immunity, dahil ang bisa ng bakuna ay humihina sa paglipas ng panahon. Habang lumalabas ang mas maraming variant ng coronavirus na maaaring umiwas sa immune system, nagiging mas normal ang reinfection at breakthrough nito.
Reinfection, kailan posibleng mangyari?
Hindi nakakapagtaka kung makakakita tayo ng mga taong nahawahan ng Omicron higit sa isang beses sa isang taon. Kahit pa sa kalaunan, naniniwala ang mga eksperto, na magiging seasonal na lamang ang Covid, tulad ng trangkaso. Gayunpaman, hindi dahil posible ang reinfection ay hindi nangangahulugan na hindi na susunod sa mga health protocols dahil mabilis ang pagkalat ng Omicron 5.
Maaari bang ma-reinfect kahit nagkaroon na ng Covid, at nabakunahan din hanggang booster shot?
Oo. Sang-ayon ang mga eksperto na posible ang reinfection, kahit na sa mga taong nahawaan na o kahit ang mga taong updated sa bakuna. Ang reinfection, sa kasamaang-palad, ay hindi lamang pangkaraniwan sa coronavirus. Ito ay ang katangian ng impeksyon na ito, ayon kay Akiko Iwasaki, isang propesor ng immunobiology sa Yale University.
Ilang beses maaring ma-reinfect?
Hindi makakapagbigay ng eksaktong numero kung gaano karaming beses ang isang tao ay maaaring muling mahawahan ng Covid. Bawat tao ay may posibilidad na ma-expose sa taong nakakahawa at ma-reinfect. Ito ay batay sa lebel ng immunity at panahon ng bakuna, ayon kay Dr. Julie McElrath, direktor ng Vaccines and Infectious Diseases Division sa Fred Hutchinson Cancer Center sa Seattle. Aniya, ang multiple exposure sa virus na posibleng walang anumang sintomas, gayunpaman, ay maaari umanong magkaroon ng positibong epekto. (PGA)