Para sa mga dakilang kababaihan!
Oo’t tunay kapag siya’y umiyak
Iisa lamang ang laging siyang tiyak
Tama na lahat pati kanyang mali
At kailan ma’y hindi siya nagkamali
Kaya’t lalaki, mabuti pa’y ika’y tumabi
Magbigay galang sa mga babaing may luha sa pisngi
O, siya na isang mapagmahal na ina
Tulad din ng isang mabuting asawa
Mga kapatid na kasaria’y mas mahina
Mga babaeng mapagmahal at maaruga
Tunay na pag- ibig ang dala sa bawat tuwina
Mga babae nga’y anghel ng pamilya
Mga lalaki’y alam ang katotohanan
Kung bakit ika’y dapat pangalagahan
Pagmamahal at paggalang huwag pagkaitan
Oo babae, hinugot kang tunay sa tadyang
Malayo sa paa upang hindi maapakan
Malapit sa puso nang maibig at mapagsilbihan
Ano ba iyon na nasa kalangitan?
Napakaningning, napakalaki’t parang ilawan
Bituin,Oo babae ika’y parang ganyan
Sa loob at labas man ng isang tahanan
Liwanag kang tunay na walang katapusan
Isang walang katumbas na kayamanan
Tunay, mabuhay ka magpakailan man
ni: Demetrio ‘Bong’ Rafanan