in

Paalam, Comedy King

Pumanaw kagab,July 10, 2012 sa edad na 83, si Rodolfo Vera Quizon Sr., o mas kilala bilang Dolphy, na tinaguriang “Comedy King” ng Pilipinas.

Ayon sa Makati Medical Center, namatay si Dolphy dahil sa multiple organ failure dala ng kumplikasyon sa severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, at  acute renal failure.

Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Hulyo 25, 1928, pangalawa siya sa sampung magkakapatid.

May 18 anak si Dolphy sa anim na babae. Ang aktres na si Zsa-Zsa Padilla ang kanyang kasama sa buhay sa nakalipas na 23 taon.

Sinimulan niyang aliwin ang mga manonood bilang isang chorus dancer sa Avenue Theater. Mula sa teatro, pinasok din niya ang radyo noong huling bahagi ng 1940s. Pinatawa ni Dolphy ang mga Pilipino sa.1977 nang matanggap ni Dolphy ang pinakauna niyang FAMAS trophy para sa “Omeng Satanista.”

Noong Nov. 8, 2010 sa Rizal Hall of Malacanang, iginawad ni Pangulong Aquino kay Dolphy ang Maringal na Kuwintas, ang pinakamataas na ranggo ng Order of the Golden Heart dahil sa kanyang komedya at mga gawang mapagkawanggawa.

 “Si Dolphy ay hindi lamang isang idolo; siya ay isa ring artist na sa mga nilikhang karakter ay mababanaag ang bugso ng iba't ibang emosyon, ang malawak na pananaw, ang kaluluwa ng Filipino. Kadalasang papel niya'y pangkaraniwang mamamayan – – maralita at api-apihan pero parating masaya, may pangarap, at di nagpapatalo sa bawat paghamon ng buhay; sa bandang huli'y nalalampasan ang sunud-sunod na krisis. Mala-henyo niyang tinatalakay ang bawat pagsubok ng tadhana, at sa nakatatawang paraan at paggamit ng perfect timing, pinapakita ang bawat damdamin ng isang nilalang: saya, lungkot, sigla, panlulumo, kapilyuhan, takot, tapang, kabiguan, tagumpay. Damang-dama ng mga manonood ang pakikipagsapalaran ng bawat karakter ni Dolphy; kitang-kita nila ang mga sarili sa pagkatao nito”, tulad ng mababasa sa MPP Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

“Humility is the name of the game. Pirmi akong nakantuntong sa lupa”, ito ang mga katagang binanggit ni Dolphy at aniya’y naging sikreto kung bakit nagtagal sa pinili niyang industriya. Aral na iniwan ng isang artistang tumagal ng higit sa apat na dekada sa show business.

Mula sa mga tagahanga mo sa Italya, Ciao Pidol, addio!

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hanggang kailan ako maaaring manatili sa Pilipinas ng hindi manganganib ang aking permit to stay?

Asia-Italia Scenari Migratori, inilunsad