Parami nang parami ang mga mamamayan sa Italya ang nagnanais na i-block sa mobile phones ang mga kinaiinisang tawag mula sa mga Call Centers para sa iba’t ibang commercial promotions at publicity.
Sa katunayan, ang bawat mamamayan ay dapat bigyan ng karapatang magdesisyon kung kailan makikipag-ugnayan sa mga Call Center para makatanggap ng mga komunikasyon ukol dito.
Lahat ng ito ay possible na ngayong taon! Simula 2022 ay posible nang i-block ang mga unwanted calls sa mga mobile phone.
Matapos ang paglulunsad ilang taon na ng Registro delle Opposizioni ay palalawigin ang serbisyo sa mga mobile phones.
Ano ang Registro Pubblico delle Opposizioni?
Sa Italya ay may bisa ang opt out system. Ito ay nangangahulugan nang pagpili sa hindi pagsali o kawalan ng partesipasyon sa isang bagay.
Samakatwid, ang mga Users ay nagbibigay ng written consent o kahit sa pamamagitan ng telepono, sa mga kumpanya o mga intermediaries upang makontak para sa mga promotions o advertisement ngunit ang huling nabanggit ay may responsabilidad na hindi makasagabal o makaabala sa mga users.
At nakabatay sa prinsipyong ito ang pagkakatatag ng Registro delle Pubbliche Opposizioni.
Ang mga mamamayan na hindi na gustong makontak para sa mga promotions sa landline at mobile phones, ay dapat na itala ang sariling telephone number – landline o mobile phone number – sa nabanggit na Registro sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
- Form mula sa website;
- Nakatalagang telephone number;
- Registered mail with return card;
- Fax;
- E-mail.
Narito sa link na ito, ang mga detalye.
Kapag nakapag-register na, ay kailangang hintay ang ilang linggo para ma-encode ang telephone number sa Registro.
Sa puntong ito, hindi na dapat makatanggap pa ng mga promotional calls. Ngunit may ilang pagkakataon na kinailangang i-report ang mga telephone numbers na patuloy na kumokontak at lumalabag sa regulasyon sa kabila nang pagkakatala ng User sa Registro delle Opposizioni.
Gayunpaman, tandaan na kahit naka-register ay nananatiling may awtorisasyon ang sariling provider (telephone, electricity at iba pa), ang previous provider at lahat ng binigyan ng authorization sa pamamagitan ng fidelity card, newsletter, points at iba pa.
APP
Bukod sa nabanggit, mayroong mga APP na nakakatulong din upang ma-filter at ma-refuse ang mga unwanted calls.
Kabilang na dito ang TrueCaller para sa iPhone at Android at ang Dovrei Rispondere para sa Android lamang.
Ang dalawang nabanggit ay mayroong iba’t ibang tool at pamamaraan upang maiwasan ang perde tempo o waste of time sa pagsagot sa mga unwanted phone calls. (PGA)