Ang Financial Planning ay ang proseso kung saan ini-evaluate natin ang ating mga pangkasalukuyan at panghinaharap na pangangailangan at layunin, hindi lang para sa ating sarili kundi kasama ang ating sariling pamilya. Sa pamamagitan nito, naipaplano natin ang pag-iipon at pag-iinvest para sa ating future.
May dalawang components ang financial planning – at halos lahat sa atin ay ginagawa naman ito – ang budgeting and savings. Masasabi natin na very critical ang process nito.
Ano ba ang kaugnayan ng budgeting at savings sa financial planning?
Ang financial planning ay ang pagmamanage ng ating financial resources at paga-apply ng mga strategies na ayon sa ating mga layunin sa hinaharap. Sa budgeting naman, inilalaan natin ang ating finances sa tamang dapat kalagyan nito, so kung titingnan natin they are very related sa bawat isa.
Kapag ang ating income ay mas mataas kaysa sa ating expenses, masasabi natin na we are living within our means, masasabi natin na sapat ang ating kinikita ngunit kapag ang ating expenses ay mas mataas na sa ating income we are living beyond our means at kailangan na natin ng immediate adjustments.
Isang paraan para masolusyunan ito ay iwasan ang tinatawag nating mga bad debts, credits cards, unnecessary loans. Bawasan, i-postponed or i-cut ang mga hindi naman ganon kahahalagang gastusin, maaaring mamahalin na sapatos or damit or iba pang mga bagay.
Once na magkaroon tayo ng effective budgetting, mabi-visualize na natin ang ating goal, magkakaroon tayo ng clear picture kung saan napupunta ang ating pera. Kasabay nito, made-develop natin ang habit of savings at makakasanayan na natin ito.
When we say savings it means being liquid, having money for immediate basic needs or emergency situations. That is why naglalagay tayo sa ating mga savings and current account, even alkansya or itinatago natin ito sa mga safe na sulok ng ating mga tahanan. Pero sabi nga, hindi tayo dapat tumigil dito. It should also have a long term impact hindi lang sa ating emergency basic need at emergency situations.
Kailangan mayroon itong consistency and purpose. Dito naman papasok ating mga strategies. Dahil kung wala tayong gagawing strategies, even we have discipline pero accessible naman sa atin ang ating savings – na nakalaan halimabawa para sa pag-aaral ng ating anak sa university; capital sa nais nating negosyo sa future – madali natin itong makukuha at magagastos. Even kapag may humihiram o nangungutang sa atin madali natin itong maipapahiram lalo na kung malapit sa atin, at syempre dahil sa malapit sa atin mahihiya na tayo singilin kahit kailangang kailangan na natin ito.
Samakatwid, ang financial planning ay ang maayos at malinaw na paraan kung paano hahawakan ang kita o sahod, na bunga ng matinding pagod at pawis sa pagtatrabaho. Ito ang susi sa pagkakaroon ng financial security at financial stability. Sa pamamagitan nito, naipaplano natin ang pag-iipon at pag-iinvest para sa ating future. (Haira Magtibay Aceveda)