in

Paggamit ng mask sa public transportation at eroplano. Ano ang regulasyon sa Italya? 

Sa Italya, simula June 16, 2022 ay posible nang pumasok sa mga cinema, theaters at sports hall na walang mask. Samantala, nananatiling mandatory ang pagsusuot ng Ffp2 mask sa trains, ships, ferries, buses, trams at mga local transport. Gayunpaman, simula June 16, 2022, ay hindi na kailangan ang pagsusuot ng mask sa pagsakay sa eroplano, dahil sa desisyon ng gobyerno na kanselahin ang obligasyon na sumunod sa patakaran ng Europa.

Ffp2 mask sa public transportation, hanggang kailan mandatory sa Italya?

Ang patuloy na pagsusuot ng Ffp2 mask sa public transportation ay nilalaman sa bagong transport decree, na inaprubahan noong June 15, kung saan nasasaad din ang mga economic at infrastructural measures para sa sektor. Batay sa naging desisyon ng Konseho ng mga Ministro, sa Italya ang Ffp2 mask ay mananatiling mandatory sa public transportation hanggang September 2022 partikular sa mga:

  • ships at ferries
  • trains
  • buses
  • tram
  • subways
  • local public transport

Kailangan ba ang pagsusuot ng mask sa pagsakay ng eroplano sa Italya?

Sa Italya simula June 16, 2022 ay maaaring sumakay ng eroplano nang walang Ffp2 mask. Samakatwid, ang Ffp2 mask ay hindi na kailangan. Nagpasya ang executive na sumunod sa naging desisyon ng European Center for Disease Prevention and Control (Ecdc). 

Simula June 16, 2022, ang obligasyon na magsuot ng mask sa mga indoor places ay tinanggal na (tulad ng cinema, theater, concert hall, sports hall. Samantala sa mga hospitals, health facilities at RSA ay kailangan pa ring gumamit ng Ffp2 mask hanggang September 30, 2022. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Omicron reinfection, ilang beses posibleng mangyari? 

Italya, nahaharap sa matinding tagtuyot