Ang pagsusuot ng dobleng face mask ay nagbibigay hanggang 95% ng proteksyon, ayon sa isang pag-aaral sa US.
Mula nang magsimula ang pandemya, isang prinsipyo ang malalim ng naitatak sa bawat isa: ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon laban sa kinatatakutang coronavirus.
Ngunit ayon sa mga pinakabagong pananaliksik, ang mahigpit at mas kapit sa mukha na proteksiyon ay may mas mataas na kapasidad ng pag-filter sa respiratory droplets. Dahil dito ang pagsusuot ng dobleng face mask – 1 ffp2 at 1 surgical o 1 gawa sa tela at 1 surgical – ay hindi isang kalabisan ngunit isang pag-uugali na nakakatulong upang mapanatiling ligtas ang bawat isa.
Sa katunayan, sa isang pag-aaral sa US ay napatunayan na ang pagsusuot ng dobleng face mask ay nababawasan ang paglipat ng virus hanggang 95%. Ito ang lumabas sa isang laboratory test na ginawa ng mga researchers ng Centers for Disease Control and Prevention.
Ang mga researchers ay gumamit ng dalawang mannequins na may distansya ng 2 metro sa isa’t isa. Kanilang sinukat kung gaano ang droplets na inilalabas ng una na potensyal na nalalanghap ng pangalawa. Ang isa sa mannequin ay nilagyan ng aparato na kunwari’y may ubo at hirap sa paghinga. Ang pagsusuot ng isang mannequin ng mask – maaaring surgical o gawa sa tela, ang droplets ay naharang ng 40%. Sa halip, ang pagsusuot ng mask na tela sa ibabaw ng surgical, ang droplets ay naharang ng 80%. Samantala, ang pagsusuot ng dalawang mannequins ng parehong dobleng mask, ang filter sa droplets ay umabt hanggang 95%.
Kung ang mask ay ginagamit ng tama, samakatwid, kahit na gawa sa tela, na limitado ang pag-filter, ay maaaring pa ring maiwasan ang pagkahawa ng covid19. Kapag suot naman sa ibabaw ng isang surgical mask ay nagpapahintulot na mabawasan ang puwang sa gilid ng bibig at ilong, na naiwan ng surgical mask.
Dahi dito ay inaprubahan na ng ilang eksperto sa US ang paggamit ng dobleng face mask bilang proteksiyon laban sa COVID-19. Kasunod na rin nito ang rekomendasyon sa US ng paggamit ng dobleng face mask para magkaroon ng dagdag na takip at proteksiyon at hindi makadaan ang respiratory droplets.
Sa Italya ay makikitang nagiging ugali na ng marami ang paggamit ng dobleng mask kahit walang anumang rekomendasyon mula sa Ministry of Health. (PGA)