Pinagbuklod ng langit, pamilya’y nabuo
Kapalaran nakaukit, sa listahan ng Dios
Buhay maligaya, matitibay sa pagsubok
Mapagmahal at uliran masipag mag-impok
Tatay ang haligi ng isang tahanan
Si Inay ang ilaw, liwanag ang taglay
Tayong mga anak, siyang kayamanan
Mag-aral at magsikap para sa kinabukasan
Dahil sa kapalaran, tayo’y iba’t iba
Ngunit ang layunin, di ba’t nag-iisa
Malusog na katawan, buhay na sagana
Tagumpay na bukas at walang problema
Mga pamilya naman magulang nasa malayo
Naghahanap buhay, mga anak maipaanyo
Lungkot ang kalaban, sa pagod nanglulumo
Tiis sa pangungulila, sa hirap ay mahango
Kaya ikaw anak, mag-aral na mabuti
Umiwas sa bisyo at masamang gawi
Nasa iyong mga kamay bukas na sinasabi
Nawa’y magtagumpay ka at maipagmalaki
Lingunin ang magulang na sa iyo’y nagsilbi
Sa kanilang pagtanda mahalin mabuti
Huwag pababayaan ano mang mangyari
Ang Pamilyang Pinoy mahigpit ang tali
Kung nagkataon, magulang magsasaka
Huwag mong ikahiya dahil dakila sila
Sa tulo ng pawis pilit igapang ka
Maging edukado, ng trabaho’y maganda
Pamilyang Pilipino kinahihilian
Mapagmahal na tunay at mayroong galang
Kahit anong bagay ay nagtutulungan
Magkakaramay tayo sa gulong ng buhay
Dorie Reyes Polo