in

PANCIT PALABOK

Para sa 6 na tao

Para sa paggawa ng sarsa:

3 kutsarang mantika,

6 na butil ng bawang, dinikdik,

1 pirasong tinapang galunggong, hinimay

3 tasang tubig o sabaw ng pinakuluan na baboy

Para sa pagluluto ng noodles

16 tasang tubig, para sa bihon,

2 kutsarang mantika, para sa pagluluto ng bihon,

1 paketeng bihon

Para sa paghahanda ng palabok

2 pirasong nilagang itlog, hiniwa,

9 na butil na bawang, dinikdik at tinusta,

1 guhit na hipon, nilaga, tinalupan at inalis ang itim na guhit sa likod at hiniwa sa dalawa,

15 tangkay ng dahon ng sibuyas, tinadtad,

1 balot ng chicharon, dinurog,

4 pirasong kalamansi, hiniwa sa gitna, patis, ayon sa panlasa

Pagluluto

1. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at kalahati ng tinapa. Haluin at hayaang kumulo.
2. Hinaan ang apoy at hayaang maluto hanggang sa lumapot ang sarsa.
3. Sa isang malaking kaldero, pakuluin ang 16 na tasang tubig na may 2 kutsarang mantika, at ihulog ang bihon. Pakuluan ng 1 minuto o hanggang sa maluto ang bihon. Salain sa colander* at itapat sa gripo upang hindi lumabsak ang bihon. Patulin.
4. Ayusin ang bihon sa bilao at buhusan ng sarsang niluto. Lagyan ng mga palabok, nilagang itlog, tustadong bawang, pinakuluang hipon, tinadtad na dahon ng sibuyas, dinurog na chicharon at ang natirang hinimay na tinapa.
5. Ihain na may kasamang patis at kalamansi.

 

*Ang colander ay isang malukong na lalagyan na may mga butas.

Ito ay hango sa recipe book ni Mama Sita’s Lutong Bahay

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

70 anyos may sakit, walang permit to stay, hindi na pauuwiin

PAGMAMAHAL SA MUSIKA – MGA PILIPINO LAGING TAGLAY KAHIT NASA IBANG BANSA