“Ang panganib na mahawahan ng coronavirus dahil sa pagkain ay hindi mataas kumpara sa ibang sitwasyon: Dapat pa ring gawin nang maayos ang paglilinis. Ngunit hindi lahat ay pwedeng mai-disinfect” ayon sa virologist.
Sa isang panayam ng Il Messagero kay Fabrizio Pregliasco, isang virologist, ay sinubukan niyang linawin ang mga alinlangan tungkol sa posibleng pagkahawa sa coronavirus dahil sa pagkain o sa packaging nito.
Ang coronavirus ay may iba’t ibang mga panahon ng pamumuhay sa iba’t ibang uri ng surfaces. Ayon pa sa direktor ng Galeazzi Institute sa Milan ay kinakailangan pa rin na bigyan ng tamang pansin at pahalagahan ang kalinisan, ngunit ang panganib ng kontaminasyon sa pagkain, o packaging, ay mababa.
“Walang mas mapanganib pa kaysa sa ibang sitwasyon na alam na nating lahat. Gayunpaman, nananatili ang parehong regulasyon: hugasan ang kamay palagi at huwag isubo sa bibig at huwag hawakan ang mukha, mata, ilong…
“Nais ko lang sabihin na bigyan ng kahalagahan ang kalinisan, tulad ng palaging ginagawa ng marami, at sundin ang mga regulasyon ng wasto. Dahil kung maging ang mga disposable shopping bags ay dini-disinfect isa-isa, hindi na tayo mabubuhay nito”.
Ayon pa kay Pregliasco, ang coronavirus ay maaaring manatili sa mga pakete ng pagkain hanggang 4 na oras, ngunit sa loob ng 4 na oras ay nawawalan na ito ng lakas. Bukod dito, ang mababang temperature ng fridge ay nahahadlangan ang virus at ito ay namamatay. Pareho rin sa mataas na temperature ng oven, sapat na ang 60° upang ito ay mamatay.
“Ang paglilinis o pagdi-disinfect ay dapat gawin nang maayos at maingat dahil hindi natin kakayaning mai-disinfect ang lahat ng bagay”.
Gayunpaman, narito ang ilang tips mula sa Istituto Superiore di Sanità o ISS ukol sa dapat gawin matapos ang grocery:
Hugasan ng maayos ang mga prutas at gulay kahit pa ang mga ito ay maituturing na low risk.
Hugasan din ng maayos ang mga kamay at siguraduhin din ang maayos na kalinisan ng paglalagyan ng mga ito. (PGA)