in

Para Kay Tatay…

Para sa iyo aking Tatay! 

 

Ikaw ang Unang Lalaki na aking nagisnan, nakilala at minahal..

Ang unang bisig na sa akin ay umalalay

Ang unang musika at sayaw sa aking buhay

Lakas mo ay aking naging gabay

 

Kapag may takot sa aking Puso

Kapag may lungkot sa aking mga mata

Kung may alinlangan man at pangamba..

Ikaw  Tatay, ang aking kasama at kasangga.

 

Larawan ka ng isang mabuting kaibigan

Tapat, maaasahan at laging masasandalan

Sa iyo ay may natatanging patakaran

Laging dapat  manaig ay kabutihan at pagmamahalan…

 

Kaya kong tumawa at umiyak, sa iyo ay ilahad

Laman ng puso ko at isipan

Di mo kailanman sinusukat

Para sa iyo, ang maging “ako” ay sapat na at walang katulad

Para sa amin ikaw ay isang biyaya

Sa aming buhay ay ipinagkaloob ng Maykapal

Ang pag-ibig mong tunay at wagas

Habambuhay sa puso namin ay nakatatak

 

Ngayong ikaw ay wala na

Walang hanggang ligaya sa piling ng Maylikha

Ang tangi naming dalangin at ninanasa

Mamamalagi kang buhay sa aming ala-ala

 

Dakila ka aming Ama

Buong buhay mo ay sadyang inilaan para sa iyong pamilya

Hanggang sa muli nating pagkikita

Marami pong Salamat Tatay,

kailanman ay di ka malilimutan sapagkat Ikaw ay mahalaga

sapagkat mahal na mahal kita!

 

Happy Father’s Day !

May we see the eyes of God in your eyes

The Love of God in your hearts…

God bless you all!

 

(ni: Lorna Tolentino – SSC)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Order of Pius IX Award, tinanggap ni Ambassador Tuason

Handbook on home care for the elderly, buhat sa Ministry of Health