Paula Jamie Salvosa, ang 23 yrs old na pasahero ng Light Rail Transit (LRT) na nagwala matapos sitahin ng isang lady guard sa LRT 2 sa Santolan Station, Pasig City noong nakaraang November 13, 2012.
Kasalukuyang nagte-trend sa web ang dalaga. Naging kilala dahil sa kanyang kawalan ng good manners and right conduct sa kawawang LRT lady guard.
Nagwala si Paula tulad ng makikita sa video sa youtube. Hinamak ng husto ang guard na hindi nakitaan ng intensyong patulan sya, ni hindi man lamang nagtaas ng boses.
Narito ang ilang salitang binitawan ni Paula laban sa guard. At ang mga eksaktong salita nito ay patuloy na kumakalat sa social network sites at mga micro blogging site twitter, at tinawag na AMALAYER.
You're absolutely telling me AMALAYER.! AMALAYER..! AMALAYER…! AMALAYER… You really shouted at me…! Ate may pinag aralan akong tao… Ginanon moko im just returning the favor… No no no… alam mo kung pano mo 'ko tinanong?..Ano ang problema mo… ?…Oh my God, kuya she's #ALAYER Oh my God you are freaking #LAYER miss!
Sigurado namang pinagsisishan ni Salvosa ang kanyang mga ginawa. Ipinakilala nya ang kanyang sarili sa buong mundo sa pamamagitan ng AMALAYER scene na siguradong magiging popular keyword search sa google hanggang sa mga susunod na araw.
Sa kasalukuyan, ilang AMALAYER parody ang matatagpuan sa web.