in

PILIPINAS ORAS NA

Pilipino ito na ang tamang oras upang boto ay ilabas! 

 

 

Pilipino bumangon ka, ito na ang tamang oras 

Ang oras na hinihintay, upang boto ay ilabas 

Pagmasdan mo ang paligid, meron ka bang namamalas

Meron ka bang nakikita, na pag-asa nitong bukas 

 

Ang kaway ng kandidato, at tinig ng bawat isa 

Meron diyang maayos, at magandang plataporma

Bumangon ka Pilipino, sa kanila’y pumili ka 

Piliin ang nararapat, naaayon sa panlasa 

 

Sa pagpili’y gamitin mo, ang isip at iyong utak 

Pati tibok ng puso mo, isama mo sa pagsulat 

Buksan mo ang damdamin mo, at sa Diyos ay tumawag

Ang Diyos na ang bahala, kung sino ang nararapat

 

Pilipino gumising ka, gamitin ang karapatan 

Lima silang kandidato, na pupwedeng pagpilian 

Tayong mga maliliit, ang pag-asa nitong bayan 

Huwag tayong padadala, sa bulong ng sino pa man 

 

Tayong lahat ay binigyan, ng talino’t pag-iisip 

Huwag tayong padadala, sa kaway ng mga sisip 

Upang hindi magkamali, galingan mo ang pag research

Sa goggle at sa you tube man, may sigaw ang bawat titik 

 

Mamamayang Pilipino, ito’y ating tatandaan 

Kung anuman meron tayo, ito’y ating hiram lamang 

Ang buhay ko at buhay mo, ito’y bigay ng maykapal 

Kung wala SIYA ay wala rin, tayong mga mamamayan 

 

Kaya naman ang samo ko, sa naritong Pilipino 

Sa pagpili ay gamitin, ang talinong bigay sayo 

Piliin mo ang matuwid, makaDiyos pati plano 

Pagkat tayo’y isang bansang, nag-iisang Katoliko 

 

Oh mahal kong Panginoon, IKAW na po ang bahala 

Sa Kamay Mo’y nakalagak, ang pag-asa nitong bansa 

Ako man po’y walang lakas, na piliin ko ang tama 

Pagkat ako’y tuldok lamang, na anino nitong bansa 

 

 

ni: LETTY MANIGBAS MANALO

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Colf, kailangan bang gumawa ng dichiarazione dei redditi?

Salvini: “Mas ibibigay ko ang karapatang bumoto sa mga 16 anyos kaysa sa mga imigrante”