in

Pinaka ‘maleducati’ na Italians, saan matatagpuan? 

Kabilang sa maraming mga rankings sa kasalukuyan, tiyak na isa sa nakakatawag pansin ay ang ranking ng mga lungsod sa Italya kung saan pinaka ‘rude’ o ‘maleducato’ ang mga Italians. Sa website ng Preply ay matatagpuan ang research kung saan 1,558 residente ng 19 na pinakamalaking lungsod sa Italya ang tinanong ukol sa 12 pag-uugali ng mga Italyano at kung gaano kadalas nakikita ang mga pag-uugaling ito. 

Ang pinakakaraniwang rude o impolite na pag-uugali sa Italya ay ang paggugol ng mahabang oras sa cellular phone sa publiko, hindi pagbabagal kapag may dadaan sa pedestrian at hindi pagpapaubaya sa trapiko. 

Ang mga nangungunang lungsod kung saan matatagpuan ang mga pinaka maleducati na Italians ay ang Venice, Catania at Parma. 

Sa kabilang banda, ang Padova ay ang pinaka-edukadong lungsod sa bansa. At ang mga naninirahan naman sa Messina ang itinuturing na pinakamapagbigay o generous.

Ang pinaka ‘maleducati’

Tulad ng nabanggit, matatagpuan ang mga rudest Italians sa Venice (6,55),Catania (6,52) at Parma (6,51).

Ang mga ito ay sinundan ng mga lungsod ng Milano, Brescia, Roma, Genova, Trieste, Torino at Taranto. 

 Ang pinaka ‘più educati’

Sa 19 na lungsod na kasali sa ginawang research, ang Padova (5.18) ang nangunguna sa listahan ng mga più educati. Ito ay sinundan ng Florence (5.60), Modena (5.60) at Verona (5.66). Sumunod sa listahan ang Verona, Bologna, Messina, Naples, Bari, Palermo at Taranto.

Ang mga pag-uugali

Nangunguna sa listahan ang paggugol ng mahabang oras sa cell phone sa publiko. Ito ay pinaka karaniwan sa Trieste, Padova at Brescia, ngunit makikita rin sa halos lahat ng parte ng bansa. Ito ay siguradong isa sa masamang bisyong hatid ng modernong panahon. Ang ating mga mobile devices ay nagpapahintulot sa atin na laging konektado at nakakalimutan na nawawala naman ang kontak sa mga taong nakapaligid sa atin.

Narito ang listahan ng mga pinaka-rude na pag-uugali at mga lungsod sa Italya 

  • Paggugol ng maraming oras sa cell phone sa publiko: Trieste
  • Hindi pagpapaubaya sa trapiko: Trieste
  • Hindi pagbabagal kapag may dadaan sa pedestrian: Catania
  • Kadalasang gumagawa ng kalituhan sa publiko: Catania
  • Hindi pagsasaalang-alang sa mga dayuhan: Parma
  • Panonood ng video sa publiko: Genova
  • Paggamit ng speakerphone sa publiko: Venice
  • Hindi pagrespeto sa lugar ng ibang tao: Catania
  • Pagiging ‘maleducato’ o bastos sa mga tauhan ng serbisyo: Venice
  • Hindi nagbibigay ng tip: Parma
  • Mahilig maningit sa pila: Venice
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

INVESTMENT DAY – SPECIAL EDITION PHILIPPINES

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Carta di soggiorno per familiari UE at Permesso per lungo soggiornanti UE, paglilinaw ukol sa Aggiornamento