Isang Filipino-American producer, nanalo ng Academy Award for Best Live Action Short film.
LOS ANGELES – Nagtala ngayong taon ng malaking pangalan sa movie history ang Pinoy film producers matapos na mabigyan ng parangal sa 83rd Oscar Awards sa Hollywood.
Si Stephanie Walmsley, isang Filipino-American ang nakakuha ng Academy Award for Best Live Action Short Film.
Si Walmsley ang producer ng 18-minute short film na may pamagat na “God of Love,” kung saan ang New York filmmaker na si Luke Matheny naman ang nag-direct.
Ang New York-based Filipina na si Stephanie Walmsley ay tubong Cebu, subalit lumaki ito sa Metro Manila kasama ang kaniyang ina. Nagsimula bilang host ng noontime show na “Eat Bulaga.” Pagkatapos ng kaniyang graduation sa Brent International School, ipinagpatuloy nito ang kaniyang pag-aaral sa American Academy of Dramatic Arts sa New York.
Naging bahagi siya na mga pelikula “Impunity” at “Take Me Home: The John Denver Story.” Ipinagmalaki rin ni Stephanie na kasama siya sa crew ng pelikulang “In My Life” nina Vilma Santos at John Lloyd Cruz nang gawin ang pelikula sa New York.
Maliban kay Walmsy, nagwagi rin ang mga Fil-Ams niyang co-producer na sina Stephen Dypiangco at Gigi Dement.