Muling nagbabalik ang scam sa mga Postepay Evolution, ang prepaid card ng Poste Italiane at parami ng parami ang nagiging biktima nito.
Sa isang komunikasyon ay nagbabala ang Poste Italiane ukol sa ‘phishing’. Sa katunayan, ang email ukol sa blocked postepay ay hindi na bago: taon na ring ito ay nasa sirkulasyon at sa ngayon ay patuloy na may nabibiktima, partikular ang mga Postepay Evolution holder.
Narito kung paano maiiwasan ang nasabing scam sa pamamagitan ng isang komunikasyon na ‘blocked’ ang prepaid card, ang ma-clone ang account at manakaw ang nakatabing pera.
Sa ganitong uri ng scam, ang biktima ay nalilinlang sa pamamagitan ng matatanggap na email kung saan nasasaad na nagbago umano ang Condizioni Generali dahil sa SPID at inaanyayahan ang biktima na tanggapin ang pagbabago sa loob ng 48 oras mula sa pagtanggap ng email, kung hindi ay maba-blocked umano ang postepay.
“Gentile Cliente, Ti comunichiamo la modifica delle Condizioni Generali del Servizio di Identità Digitale “PosteID abilitato a SPID” nella nuova versione”, esordisce il messaggio truffa. “Cosa cambia per te? Il servizio base, cosi come descritto nelle Condizioni Generali del Servizio, è gratuito per le persone fisiche. Non ci sono modifiche per quanto riguarda le funzionalità e l’utilizzo dell’Identità Digitale. Eventuali future modifiche alle Condizione Generali del Servizio saranno rese note ai Titolari, con congruo anticipo, tramite apposita informativa sul Sito o in Bacheca o con ulteriori canali o modalità che Poste ritenesse di adottare. Ricorda che: Non puoi più utilizzare la tua carta PostePay se non accetterai lemodifichecontrattuali. Inoltre abbiamo bisogno della tua collaborazione, dovrai aggiornare le informazioni del tuo profilo online entro 48 dalla ricezione di questa comunicazione”
Sa paniniwalang Poste Italiane ang nagpadala ng email ay gagawin ng biktima ang ipinaguutos sa email na magiging paraan ng mga masasamang-loob upang masaid ang laman ng account ng biktima.
Sa sandaling i-click ang link na nasa email upang tanggapin ang mga ‘huwad’ na pagbabago, ay magagamit ito upang tuluyang ma-blocked ang inyong prepaid card.
Upang maiwasan ang panlilinlang, ipinapaalala ng Poste Italiane na kung makakatanggap ng ganitong uri ng email (maaari ring matanggap ang komunikasyon at link sa pamamagitan ng SMS o WhatsApp), ay ipinapayong i-delete ito agad at i-report sa antiphihshing@posteitaliane.it.
Para sa higit na proteksyon ng inyong mga cards: Postepay, bancomat, Evolution at iba pa, inaanyayahang magtungo sa ‘area personale’ ng official website ng Poste Italiane at alamin ang mga paraan ukol sa seguridad at kung paano mapapangalagaan ang bawat card at account.