Maitim man ang mga ulap sa kalangitan
Nagbabadya pa rin ng mahabang kadiliman
Ngayo’y liwanagat pag-asa’ynakamtan
Isang kandila’y nariyan, muling nasindihan
Kasama ng puting usok ang hahawakan niyan
Pastol na matatag, simbaha’y kanyang gagabayan
Tunay siyang pastol na mapagkakatiwalaan
Tulad ng pinakamaputing marmol ang kalooban
Malinis, may magandang asal at hindi mo mapupulaan
Pag-ibig sa salapi’t lama’y kanyang tinatalikuran
Kita ang tapang sa harap ng anumang kasamaan
Hinaharap, boses na mahinahon ang pamamaraan
Isang boses na galing sa malayo
Napakalayo, wari ba’y dulo ng mundo
Dumaragundong tulad ng kulog sa artiko
Pumapasok, diretso sa ‘ting mga puso
Nagsasabi, “ngayo’y tayong lahat narito”
“lumabas na sa dilim, sa ki’y sumunod kayo”
Binibigkas niya’y isang paanyaya
Paglalakbay sa kanyang pangunguna
Kapit kamay mga kapatid sa paniniwala
Hiling niya’a kapatirang tunay sa bawat isa
Wagas na pag-ibig, mayroong pagtitiwala
Mapayapang paglalakba’y simula’t umaasa
Mga nananalig ay maglalakad at siya’y kasama
Sa mga puso’y may dalang bakal na paniniwala
Kung wala’y di nga’t may piring, madaling nawawala?
Nabibingi’t nabubulag, tamang daa’y di makita
Kaya’t siya’y isang gabay, kaligtasa’y kanyang isinisigaw
Ang makarinig, sumunod nang hindi maligaw
Puting usok nagbigay ng pag-asa
Isang pastol, may hawak na kandila
Isang boses mayroong hiling at anyaya
Ibangon ang simbahang inaanay at natutumba
Bakuran ng pag-ibig at matibay na paniniwala
Pastol siya, sugo ng pinakadakilang lumikha
(ni: Demetrio ‘Bong’ Rafanan)