in

“Inay, ako’y aalis…..ako’y babalik at ‘di na muling aalis”

alt

Inay, ako’y aalis
mahina kung sinambit
ngunit alam kong masakit
dahil galing ito sa’king bibig
lalo’t sa iyo’y ‘di na makatitig
luha ko nari’y ‘di na mapalis

Inay, ako’y aalis
muli sa may pintua’y inulit
ngiti mo sa labi’y mapait
ngunit puno naman ng pag-ibig
kita sa mga luhang pumatak sa sahig
damang dama ang iyong hinagpis

Inay, ako’y aalis
taon na ang lumipas ng binangit
mga salitang sa isip pari’y nakaukit
hikbi mo’y para ko pang naririnig
(at) nakikita malungkot mong titig
nagsusumamong ‘wag ng umalis

Inay, ako’y aalis
katagang noo’y sa iyo’y binangit
isang pangako ri’y aking sinambit
habang akap akap ka sa mga bisig
habang umiiyak ka sa aking dibdib
na ako’y babalik at ‘di na muling aalis

By: Demetrio-Bong Ragudo Rafanan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FILIPINA KABILANG SA MGA PINARANGALAN NG PREMIO BAIOCCO

OFWs, pinagbawalang magtrabaho sa 41 bansa