Ginanap muli kahapon ng PPCR (PINOY PHOTOGRAPHY CLUB IN ROME) ang photo walk sa loob naman ng Campidoglio, ang isa sa lugar na pinagmamalaki ng mga Romans. Pinangunahan ito ng founder ng club na si Fr. Morrel Querickiol at ni Romulo Salvador, ang konsehal na Filipino sa Comune di Roma para sa Asya, na syang nagpasyal sa ating mga photographers sa loob ng Campidoglio. Dinaluhan ito ng mga kabataang miyembro ng club na may mga natatanging talento sa larangan ng photography. Hinati sa dalawang grupo ang nasabing photo walk dahil sa dami ng nais dumalo para masaksihan ang Campidoglio. Pinasyalan nila ang Protomoteca, ang pinaka importanteng function hall nito at ang sala di Giulio Cesare kung saan ginaganap ang konseho kasama ang Mayor ng Roma, Gianni Alemanno.
Gaganapin din ang unang una PPCR basic workshop sa darating na Linggo, feb 6 sa Marian Hall sa Via Urbana, Santa Pudenziana Church mula 9 am to 4 pm. Lahat po ay inaanyayahang dumalo!!!
http://www.facebook.com/home.php#!/event.php?eid=120612494676776&index=1
Kita kits……