in

Sanitary napkins, tax-free sa Firenze

Sa karamihang makakarinig o makakabasa ay maaaring hindi “big deal” ang balitang ito. Ngunit ang paksang ito ay matagal nang usapin sa national level. Ang ugat ng talakayan ay ang katanungang ito: fundamental necessity ba o hindi ang sanitary napkin? 

Sa mga usaping inihain ng mga organisasyong pro-donna ay inilatag ang umano’y hindi pantay na pagtrato sa mga karapatan ng mga babae.   Iginigiit ng nagsulong ng protesta  na ang sanitary napkin ay hindi isang luho bagkus isang pangunahing pangangailangan ng mga babae. At dahil dito, hindi kailangang lagyan ng buwis. Maingay ang isinagawang pagpoprotesta maging sa social media. May tungkulin umano ang gobyerno sa pangangalaga ng karapatan ng mga kababaihan. 

Ayon sa mga tumutuligsa, ang tax na ito ay hindi makatarungan dahil lumalabas na ang napkin ay isang luxury good at hindi isang fundamental at necessary good. Maihahalintulad umano ang sanitary napkins sa mga relo, cellphones, at mga alahas na may mataas na buwis.

Bilang tugon sa sigaw ng mga kababaihan, inalis ng Comune di Firenze ang IVA o buwis sa mga sanitary napkins. Sa Italya, bagamat isang pangunahing pangangailangan, ang sanitary pads ay may pataw na 22% na tax. 

Firenze ang pinakaunang comune sa buong Italya na sumuporta sa kampanyang “Il ciclo non e’ un lusso”.  Ang pagkansela sa tinawag na  tampone tax ay isang malaking tagumpay ng mga kababaihan.

Ang tampone tax na ito ay nagsimula noong taong 1973 pa. Nagsimula sa 12% hanggang sa kasalukuyang 22%.  Ang mga fundamental goods ay may tax na 4% lamang. 

Marami ang pumuri sa Firenze dahil sa pagpanig nito sa mga kababaihan at sa tuluyang pagbasura sa tampone tax.  

Hangarin ng alkalde ng Firenze na ang hakbang na taas-noong ibinabandila sa buong europa ay pamarisan ng iba pang lugar. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakuna kontra Covid para sa mga kabataan mula 12-15 anyos, inaasahan sa Hunyo

Promising model ng isang Italian luxury brand, isang Pinay