in

SAY NO TO VIOLENCE

altNgayon, ika-25 ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ang ika-labindalawang taon ng SAY NO TO VIOLENCE, ang International Day ng pag-laban sa karahasan sa mga kababaihan. Ito ay pinangungunahan ng United Nations mula noong 1999. Ngayon taong ito ay higit sa 2 milyon sa buong mundo ang mga pagkilos upang labanan ang pang-aabuso sa mga kababaihan. Ayon sa pinakahuling mga numero, maituturing na isang epidemic ang karahasan sa mga kababaihan. Sa buong mundo, anim sa sampung mga kababaihan ay dumadanas ng karahasan. Sa Italya lamang, mayroong 615 murders ng mga kababaihan sa nakalipas na limang taon.

Sa Italya mayroong mga kaganapan upang imulat ang mga kababaihan at ang buong sambayanan sa isyung ito.

Sa mga paaralan ay nagkaroon ng isang linggong kampanya ng prevention at pinangunahan ng National Anti-stalking (Osservatorio Nazionale anti-stalking). Ang mga eksperto ay ipinaliwanag sa mga kabataan kung ano ang kahulugan ng stalking at kung paano, kailan at bakit nagaganap ang pisikal at mental na karahasan. Ang interbensyon sa mga paaralan ay napakahalaga ayon sa isang pag-aaral ng Osservatorio, ang 10% ng mga bata sa paaralan ay biktima ng stalking, kabilang sa kanil ang 75% ay mga batang babae at tanging ang 25% lamang ang nagre-report ng mga karahasan.

Upang ipagdiwang ang anibersaryo sa Roma, ang UN ay naglunsad ng isang kumpetisyon na humihiling na i-kwento at isumpa ang karahasan laban sa kababaihan sa pamamagitan ng husay sa pagguhit. Ang mga obra ay matatagpuan sa Casa Internazionale delle donne. Ang exhibit ay pinamagatang Violence is not always visible.

Samantala, ang Telefono Rosa ay nag-organisa ng dalawang mga pulong: sa Sala della stampa estera ng Tre donne e una sfida  para sa Iranian na si Shirin Ebadi, noble for peace; kay Fatima Ahmed Ibrahim isang  aktibistang Sudanese at Malalai Joya, isang Afghan ex-member of Parliament. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PRESS CON NG PELIKULANG “DEADLINE (THE REIGN OF IMPUNITY)” SA ROMA, DINUMOG

Citizenship. Turco: “May majority sa Parliament upang pagsamahin ang mga dati at bagong Italians”