Inilunsad ng grupong SB19 ang kanilang pinakabagong album na pinamagatang “Simula at Wakas” nitong nakaraang April 25, 2025. Ito ay pasok sa Italia iTunes chart bilang kauna-unahan pilipinong artist na nag Top #1 Pop Artist at Top #4 All Genre Artist.
Ang iTunes Italia Chart ay isang listahan ng mga pinakasikat na kanta at album na dina-download sa iTunes Store Italya. Ipinapakita nito ang mga nangungunang item (kanta) batay sa bilang ng mga benta, stream, o download sa isang partikular na panahon.

Ang “Simula At Wakas” EP ay nagtala din bilang Top #2 sa iTunes Worldwide Albums chart. Ito ang pinakamataas na posisyon ng album ng Pilipino sa kasaysayan ng iTunes Worldwide. At pasok din ang EP sa #7 sa European iTunes Album Chart.

Ang P-POP sensation na SB19 ay ginulat ang mga tagahanga sa paglabas ng dalawang bagong music video—Dungka! at Time—na nagmamarka ng huling yugto ng kanilang trilogy EP na Simula at Wakas, sa pamamagitan ng Sony Music Philippines at sa sariling kumpanya ng grupo na 1Z Entertainment.
Ang SB19 ay isang sikat na Filipino boy band na binubuo ng limang miyembro: Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin.
Sumikat sila sa kanilang hit song na “Go Up” (2019), “MAPA” at “What? (2021) at ang pinasikat na kanta nila na “Gento”(2023) na nagbigay sa kanila ng internasyonal na atensyon. Bukod sa mga kanta nila, sila ay sumikat dahil sa kanilang pulido at magandang pagkanta (live vocal monster), mahusay na pagsayaw, at orihinal na pagsulat na musika. Sa kanilang musika ay ipinapakita nila ang yaman ng kulturang Pilipino, na nagdudulot ng pagmamalaki sa mga Pilipino at nagiging kaakit-akit din sa mga dayuhang tagahanga.
Dahil sa mga ito, ang SB19 ay hindi lamang naging sikat sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Sa katunayan, noong February 28, 2025, ay naglabas sila ng bagong kanta na tinatawag na “Dam” na umabot sa mahigit 18 Milyong views sa loob ng isang bwan at umabot sa posisyon #16 sa Top Pop Song Italy.

Ang SB19 ay itinuturing na pioneer ng P-POP sa pandaigdigang entablado, na may mga nominasyon sa mga prestihiyosong parangal tulad ng Billboard Music Awards, Wish 107.5 Music awards, Asian Artist Awards at mga kolaborasyon sa mga international artist.
Ang SB19 ay merong malakas na suporta galing sa kanilang Fandom: Ang kanilang mga tagahanga ay tinatawag na A’TIN, ay nakatulong upang mapalawak ang kanilang manonood, kabilang na sa ibang bansa tulad ng Italya, Spain, UK, USA, Canada, Mexico, Brasil, United Emirates, Japan at madami pang bansa.
Ang “Simula at Wakas” album ay isang makulay na salaysay ng pag-ibig, pag-asa, at pagbabago.
Simula at Wakas World Tour
Kasabay ng paglabas ng EP, sinisimulan din ng SB19 ang kanilang “Simula at Wakas” World Tour, na magdadala sa kanila sa iba’t ibang siyudad sa Asya, Amerika, Canada, Middle East at Australia.
Ang kick-off ng tour ay may dalawang araw na pagtatanghal na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa May 31, 2025, kasunod ng pagka-SOLD OUT ng kanilang unang show na umabot lang ng humigit kumulang na 7 oras, at sa June 1, ng kasalukuyang taon.
(Sb19 fb: https://www.facebook.com/share/19Ca6e1Hfx/?mibextid=wwXIfr )
(Fb: A’tin Italy official fanbase https://www.facebook.com/share/1AdFpVVNRD/?mibextid=wwXIfr )