Ang Sendwave ay isang mobile app na nagbibigay ng mabilis at maginhawang paraan ng pagpapadala ng pera mula North America at Europe sa 16 na bansa sa Asia, Africa at Latin America.
Sa Sendwave, mabilis na makapagpapadala ng pera mula sa sariling payment card sa mga mobile wallet, bank account, at cash withdrawal point sa mga receiving countries.
Sa kasalukuyan, ang Sendwave ay ginagamit ng humigit-kumulang 600,000 user na nagpadala ng mahigit $10 bilyon sa kanilang mga mahal sa buhay.
Itinatag ang kumpanya noong 2014 nang mapagod si Drew, isa sa mga founder, sa pagpunta sa shop at pagbabayad ng mahigit 10% para makapagpadala ng pera sa isang NGO na kanyang pinapatakbo sa Tanzania. Nagpasya si Drew na makipag-partner kay Lincoln upang gawin ang Sendwave, isang app na ginawang posible ang mabilis na pagpapadala ng pera mula sa kanilang smartphone sa account ng tatanggap sa Africa.
Ngayon, ang misyon ng Sendwave ay gawing mas madali at maginhawa ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa gaya lamang ng pagpapadala ng text message.
Ang serbisyo ng Sendwave sa Pilipinas
Ano ang pinagkaiba ng Sendwave sa ibang low-cost money transfer provider?
Hindi sumisingil ang Sendwave ng fee o service charge sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas. Ang kanilang misyon ay magbigay ng abot-kaya at accessible na serbisyo ng remittance para sa mga imigrante sa lahat ng lugar, at ang libreng serbisyong ito ng remittance ay hindi para sa limitadong panahon ng promosyon lamang. Ang app ay maginhawa, maaasahan at madaling gamitin. Makikita mo na ang pagpapadala ng pera sa Sendwave ay kasingdali lamang ng pagpapadala ng text message.
Paano nasu-sustain ng Sendwave ang business nang walang sinisingil na service fee?
Mayroon kaming maliit na porsyento sa halaga ng palitan, na nagpapahintulot sa amin na ma-sustain ang business. Maliit ang aming overhead expenses kumpara sa marami naming mga kakumpitensya dahil wala kaming mga ahente.
Bakit nagpasya ang Sendwave na magbukas sa Pilipinas at bakit ngayon?
Nakita namin ang pangangailangan ng Filipino community sa walang bayad at madaling gamitin na serbisyo. Pinakinggan namin ang mga OFWs at naglaan kami ng oras sa komunidad, at naniniwala kami na makakapagbigay kami ng produkto na makakatulong sa mga Pilipino. Alam natin na ang pandemya ng Covid-19 ay may malaking epekto sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo. At gusto naming makapagbigay ng serbisyong magpapaginhawa sa buhay at magpapatipid ng maraming oras at pera sa mga tao.
Paano nakikita ng Sendwave na suportahan ang Filipino community sa loob at labas ng bansa?
Makaka-save ang mga OFWs at mga Pilipino saan mang lugar hanggang $1 bilyon kada taon sa aming presyo. Ito ay tangible savings para sa mga sambahayan sa buong mundo. Nakikipagtulungan din kami sa maraming community organizations at mga brand ambassadors sa layuning maka-empower sa lahat ng mga Pilipino, kabilang ang pag-aalaga sa mga asosasyon at non-profits na sumusuporta sa aming serbisyo para sa mga Pilipino.
Paano pinapanatiling secure ng Sendwave ang mga remittance nito?
Gumagamit kami ng 128-bit encryption, na siyang pamantayan sa industriya. Kami ay lisensyado na magpatakbo bilang money transfer sa bawat estado ng US, Canada, Italy, UK, at iba pang bahagi ng Europe, at natugunan lahat ng requirements ng pamahalaan.
Paano gumagana ang app?
I-download ang app sa iPhone o Android. Sa pagpapadala ng remittance, ilagay ang moblie number ng beneficiary at ang halagang gustong ipadala. Ang exchange rate ay makikita sa app, at makikita rin ang eksaktong halagang sisingilin. Makakatanggap ng confirmation sa app kapag natanggap na ang pera. Kukunin ng Sendwave ang halaga mula sa iyong card pagkatapos maipadala ang katumbas na halaga sa beneficiary.
Ang Sendwave ay walang mga tanggapan sa mga sending countries, dahil ang pera ng customer ay tinatanggap at ipinapadala sa pamamagitan lamang ng app at hindi sa pamamagitan ng cash.
Paano tinatanggap ang pera sa Pilipinas?
Maaaring magpadala ng pera sa Pilipinas sa pamamagitan ng cash pickup, GCash (mobile wallet), o bank transfer deposit sa aming mga partner banks.
Hanggang magkano ang pwedeng ipadala?
Hanggang €999 sa isang araw at € 2,500 sa isang buwan. Pagtapos ng tatlong buwan na regular na pagpapadala, pwede kang mag request ng increase ng limit hanggang € 2,500 bawat araw at € 10,000 sa loob ng 30 magkakasunod na araw.
Paano ako makakatanggap ng tulong kapag nagkaproblema?
Mayroon kaming 24/7 customer support na available sa numerong ito: +39 02 30578 468 (mula sa Italy)
Narito sa link ang mga numero ng customer support sa ibang mga bansa: https://www.sendwave.com/it/contatto
O maaaring makipag-ugnayan anumang oras sa pamamagitan ng email sa help@sendwave.com