Walang bakuna ang walang side-effects. Dahil ito rin ang nagpapatunay na ang ating katawan ay tumutugon sa immunity at samakatwid ay handa na upang gumawa ng mga antibodies laban Covid. Ngunit ang mga side-effects ay maaaring magkakaiba sa bawat tao. At sa ilan, ay mas malala ang nararamdamang side-effect nito. Kung sa AstraZeneca ay kasama bilang side-effect ang bihirang kaso ng thrombosis, ang Pfizer naman ay may ibang side-effect.
Sa website ng nyc.gov/covidvaccine ay nasasaad ang mga pinaka-karaniwang side effect nito tulad ng pananakit o pamamaga sa braso, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagod at lagnat. Mayroon ding pagkakaiba sa una at ikalawang dosis. Sa katunayan, ang side-effect ay mas posibleng maramdaman sa ikalawang dosis at hindi naman gaanong nararamdaman ng mga may edad na.
Kailan nararamdaman ang side effect ng Pfizer? Hanggang kalian ito tumatagal?
Ang side effect ng Pfizer ay karaniwang hindi naman malala at nararamdaman hanggang tatlong araw matapos mabakunahan. Sa karamihan ito ay nararamdaman kinabukasan matapos mabakunahan. Ito ay nagtatagal ng isa o dalawang araw lamang.
Ang Pfizer ay maaari ring magkaroon ng allergic reactions. Ngunit ito ay nararamdaman ilang minuto hanggang isang oras matapos mabakunahan. Ito ay ang mga sumusunod: hirap sa paghinga, pamamaga ng mukha at ng lalamunan, mabilis na pagtibok ng puso, pagkahilo at panghihina ng katawan.
Ang lahat ng ito ay binabantayan matapos mainiksyunan. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangang manatili muna ng 15 hanggang 30 minutos. Sa kasong ito ay maramdaman makalipas ay ipinapayong tumawag sa inyong edico di base o sa 118. (PGA)
Basahin din:
- Lagnat matapos ang bakuna AstraZeneca? Kailan dapat mabahala?
- Vaccination rate sa Europa, mababa pa – WHO