in

Sino si Pope John XXIII?

Bukod kay Pope John Paul II na mas popular sa mga mananampalatayang Katoliko, hihirangin din bilang santo ngayong Linggo si Pope John XXIII.

Binansagang The Good Pope at marahil ay pinakamamahal na Italian pope si Angelo Giuseppe Roncalli o mas kilala bilang Pope John XXIII, na nagsulong ng mahahalagang reporma sa Simbahang Katoliko sa mahigit apat na taon ng kanyang pamumuno.

Isinilang noong Nobyembre 25, 1881 sa Sotto il Monte, Italy at lumaki sa mahirap na pamilya si Angelo Giuseppe Roncalli, ang ikatlo sa 13 magkakapatid na mula sa pamilya ng mga magsasaka.

Taong 1904 siya naging pari. Sa loob ng 25 na taon ay nagsilbi si Roncalli bilang Papal diplomat sa Bulgaria, Turkey at France. Anim na taon siyang naging Arsobispo ng Venice, hanggang sa mahalal na Papa noong Oktubre 28, 1958 sa edad na 76.

Siya ang ika-262 Pope ng Catholic at non-Catholic na simbahan.

Nakilala si Pope John XXIII sa pagpapatawag ng Second Vatican Council. Kakaiba ang paraan niya ng pamamahala at masasabing taliwas sa mga na unang konseho ng Vatican dahil ang mga naunang council ay tinutukan ang pagwawasto sa mga maling teksto sa Bibliya, habang ang binuo niyang konseho ay nagpalaganap ng hindi matitibag na pananampalataya at paniniwala, at ng mga reporma sa simbahan na napakikinabangan ng mga Katoliko hanggang sa kasalukuyan.

Nakilala siya sa mga non-Catholic church dahil sa mga ‘di matatawaran niyang pagsisikap na gampanan ang pagiging Pope. Dahil din sa kanya ay nagkaroon ng bagong pangalan ang Vatican II, “New Pentecost”.

Naniniwala si Pope John XXII na ang Kristiyanismo ay hindi lang usapang legal at mga doktrina kundi nakabatay sa kung paano mabubuhay nang may pagmamahal sa Diyos.

Setyembre 23, 1962 nang matukoy na may stomach cancer si Pope John XXIII, ngunit hindi ito isinapubliko dahil umasa noon ang Papa na maipagpapatuloy pa rin ang pamamahala sa Vatican II council hanggang sa abot ng kanyang makakaya.

Pumanaw siya noong Hunyo 3, 1963 bago pa man magsimula ang ikalawang session ng Second Vatican Council.

Inihahalintulad kay Pope Francis

"Good Pope John" ang tawag kay Pope John XXIII na laging idinidikit kay Pope Francis dahil sa pagiging pareho nila sa napakaraming bagay.

Edad 76 na siya nang maging Santo Papa, gaya ni Pope Francis.

Lalong tumingkad ang progresibong pananaw ni "Good Pope John" nang iutos niya ang pagbuo ng Second Vatican Council.

Nakilala rin si Pope John sa pagtakas sa Vatican ng disoras ng gabi para maglakad-lakad sa Roma kaya binansagan siyang "Johnny Walker".

Mas gusto rin niyang magsuot ng simpleng itim na sapatos, bagay na ginagawa rin ngayon ni Pope Francis.

Gaya rin ni Pope Francis, lumihis siya sa pagsunod sa mga tradisyunal na pangalan gaya ng Gregory at Benedict, at piniling matawag na John. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kilalanin si Papa Juan Pablo II

Pagbabago sa regulasyon ng consiglieri aggiunti, ipinaliwanag ni Salvador