Ang Sisig ay masarap na lutong filipino na kadalasan ay ginagawang pulutan sa inuman. Gusto mo bang matututo kung paano gumawa ng Sisig? Narito kung paano.
Ingredients:
500g – Liempo (may balat, walang buto)
1pc – pork cube seasoning
2 bulbs – Onions
2pcs – Long green chilli
½ tsp – Salt
3 tbsp – Mayonnaise
2 tbsp – Oyster sauce
2 tsp – lemon
Paraan ng pagluluto:
Ilaga ng buo ang liempo add pork cubes seasoning , kapag half cooked na ay hanguin at palamigin.
Iprito ng lubog sa mantika kailangan na ung balat ng liempo ay lumutong katulad ng chicharon, hanguin, palamigin at hiwain ng maliliit. At ihalo sa tinadtad na sibuyas at chilli, idagdag ang mayonnaise, oyster sauce, salt, at lemon. (ni: Alberto Jr Ortaleza)