Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino, naging matagumpay ang pagbubukas ng ika-38 taon ng Metro Manila Film Festival o MMFF dahil walong pelikulang Pilipino ang itinanghal sa takilya ngayong taon. Ito ay ang mga pelikulang "El Presidente," "One More Try," "Shake, Rattle & Roll 14," "Si Agimat, Si Enteng at Si Ako," "Sisterakas," "Sosy Problems," "The Strangers," at "Thy Womb."
Nangunguna ang Comedy film “Sisterakas” na pinagbibidahan nina "Queen of All Media" Kris Aquino, "Comedy Concert Queen" Ai Ai Delas Alas at TV host-actor Vice Ganda sa unang araw nang pagpapalabas nito. Umabot sa P39.2 milyon ang kinita ng nasabing pelikula. Nalagpasan na rin ng "Sisterakas" ang rekord ng MMFF entry na may pinakamalaking kinita sa unang araw pa lamang nang pagpapalas.
Sumunod naman sa pinaka-pinilahang pelikula ay ang "Si Agimat, Si Enteng at Si Ako" na kumita ng P29.5 milyon; "One More Try" na kumita ng P13.6 milyon at "Shake, Rattle and Roll 14" na kumita ng P10.5 milyon.