Isang pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ina!!
Bakas sa iyong mukha Walang kahulilip na ligaya Munting punla ay lumaki na Sa sinapupunan ay dala-dala. Tibok ng puso niya ay tibok mo rin Dugo at laman ay pag-iisahin Siyam na buwan ang hihintayin Pati ama ay pasasabikin. Walang gabing ikaw ay nahimbing Sikad at pagsiko niya ay titiisin Bawat paggalaw dulot ay aliw Hudyat na siya ay gising din. Pagdating ng tamang panahon Isang paa sa hukay ay nakabaon Ikaw at ang munting sanggol Isang simulain ang nilalayon. Ang iyong habambuhay na misyon Maging matatag na ina mula ngayon Sa kanyang pagkabata hanggang sa pagtanda Pagmamahal at gabay ang itatalaga. (ni: MADITTZ)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]