in

Summer Health Tips

Tag-init na naman. At kapag tirik ang mainit na araw, ito ay nagdudulot ng ilang sakit sa balat. Isa dito ang bungang araw o tinatawag na miliaria rubra o prickly heat. Lahat ng tao ng lahat ng edad ay puwedeng biktima nito. Ngunit kadalasang nabibiktima nito ang mga kabataan o mga paslit dahil hindi pa masyadong developed ang kanilang sweat glands.

Mapapansing ang may sakit nito ay may maliliit na rashes o butlig na sadyang mamulamula at makati at tila tumutusok na siyang nagdudulot nang nakakairitang pakiramdam. Ito ay tinatawag na papules sa Ingles. Ito ay makikita sa mukha, leeg, sa ilalim ng suso ng mga babae at ilalim ng bayag naman ng mga lalaki. Tumutubo rin ito sa mga bahagi ng katawan na nagagasgasan ng damit tulad ng likod, dibdib at tiyan. Ang bungang araw ay lumalabas kapag ang sweat glands ay nababara at naiiwan ang pawis sa balat kung kaya ito ay namamaga, nagkakaimpeksiyon at pumuputok. Ito ay madalas na sumusunod kapag napakainit ang panahon o alinmang kondisyon na kung saan ang tao ay sadyang higit na nagpapawis, may mataas na lagnat o paggamit ng mainit na kausotan. Ayon sa mga espeyalista, ang kondisyong ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagligo araw araw at pagsuot ng maluwag at komportableng kadamitan. Makakatulong din ang pagdala ng tuwalya na pantuyo ng pawis sa balat. Malaking bagay rin ang pagpapalagi ng mga sanggol at paslit sa mga malamig, mahangin o preskong kuwarto at paglilimita sa pag-expose nila sa araw. Ang mga rashes ay sadyang humuhupa kapag tuluyang nalalamigan at presko ang pangangatawan.

Ang paggamit ng corn starch o baking soda ay matagal nang nakagawian ngunit hindi ito inaabiso ng mga duktor sapagkat minsan ang maling gamit ng mga ito ay maaring makalala kapag ito ay makapagbabara lalo ng mga sweat glands. Inaabisuhan din ang pag-iwas sa pagkati nito (lalo pa ng mga bata) at ang paggamit ng mga lotion o creams sapagkat maaring magdevelop ng allergies at infections mula rito. Mainam pa rin ang kumunsulta sa duktor kapag malala ang bungang araw na nararanasan.

 

Para mapanatili namang healthy at fit ngayong summer, importante ang tamang nutrisyon at balanseng ehersisyo at sapat na pamamahinga. Napakaimportante ang pag-inom ng maraming tubig o ibang likido tulad ng sports drink upang hindi ma-dehydrate dala ng pagkawala ng katawan ng importanteng body salts tulad ng sodium, potassium, calcium bicarbonate at phosphate. Ang ilan sa mga sintomas ng malalang dehydration ay ang labis na pagkauhaw at pagkakatuyo sa bibig at lalamunan, di-kadalasang pag-ihi, tuyong balat, pagkahilo at pagkalito. Sa mga bata naman, ang iba pang sintomas ay ang labis na pagkatuyo ng bibig at dila, ang pag-iyak nang walang luha, tuyong diaper ng sobra sa tatlong oras, pagkairita, pagkalagnat, at pagiging dimapakali. Kapag may asthma o iba pang sakit sa baga naman, mainam na iwasan ang mga busy streets sapagkat sadyang napaka-alikabok at ramdam ang pollution kapag taginit. Lagi ring dalhin ang mga gamot pang-allergy tulad ng mga tabletas, pildoras o inhaler kapag lalabas ng tahanan.

Para makaiwas naman sa sunburn, kailangang gumamit ng sunscreen lotion. Makakatulong din ang paggamit ng sunglasses para di gaanong mairita at ng sombrero o baseball caps. Iwasan ang pagsuot ng masikip na kasuotan at iwasan ang matuyuan ng pawis upang hindi magkaubo. Iwasan din ang pagkain ng sobrang mantika at asukal at kumain na lang ng mga prutas at gulay. At dahil madaling masira ang pagkain tuwing summer, siguraduhin na ang kinakain ay hindi panis upang hindi makapagdulot ng sakit sa tiyan o pagtatae.

Kung pupunta naman ng beach o lago, iwasan ang pananatili sa ilalim ng araw ng higit sa tatlong oras upang makaiwas sa heat stroke, sunburn at heat exhaustion.

Have a safe and healthy summer! (FNA – Rome)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Handbook on home care for the elderly, buhat sa Ministry of Health

Maturità 2012, simula ngayong araw na ito sa Italya