I'll see you on September, when summer is gone
Kay gandang awitin kay sarap pakinggan
Dalwang magsing-irog ay pinagsaluhan
Sa saliw ng init ng katanghalian
Init ng panahon hindi alintana
Doon sa baybayin sila'y magkasama
Oras sa maghapon inuubos nila
Sa masayang kwento noong bata pa sila
Binalikan nila ang nagdaang araw
Noong sila’y musmos pa't kapwa walang malay
Sila ay palaging doon nag-aaway
Pero magkakasundo bago maghiwalay
Sa dalampasigan sila'y naka-upo
At sa mga kamay buhangi'y nilaro
Ang kanilang balak sila ay bubuo
Ng isang kastilyong pundasyo'y pangako
Laging hinihintay buwan ng Agosto
Doon sa baybayin sila ay tutungo
Ang init ng summer sobra nilang gusto
Pagkat minsan lamang kung sumapit ito
Ang kanilang plano ay muling buoin
Ang dating gumuhong kastilyong buhangin
Magagawa ito doon sa baybayin
Pagsapit ng August summer ay dumating
Ating iwan muna buhay ng magnobyo
Sa buhay ng iba tayo ay dumako
Bigyan nating pansin mga pilipino
Pag sumasapit na buwan ng Agosto
Hindi lang magnobyo ang nasisiyahan
Pagsapit ng summer sobrang kainitan
Magandang tanawin sa kapaligiran
Ang makikita mo'y hubad na katawan
Kay gandang malasin mga naglipana
Saplot na bikini na nakakatuwa
Basta ang isip mo ay walang malisya
Ang kanilang dating ay hindi masagwa
Mga conservative hindi magsusuot
Hindi gumagamit ng mumunting saplot
Sila'y nagtitiis na paikot-ikot
Kasabay ang paypay na humahagunot
Dati-rati noon mga pilipino
Ang init ng summer hindi nila gusto
Hindi nila gamay ang kultura dito
Na sa tuwing summer hubad na totoo
Pero sa paglipas ng maraming taon
Mga pilipino ay nakikiayon
Nakaka-adjust na sa bagong panahon
Mga swimsuit nila ay t-back na ngayon
Di naman masagwa pagkat yan ang uso
Lahat naka hubad ang makikita mo
Lalo na kung sa beach ikaw ay tutungo
Mapuputing hita nagbalandra dito
Atin nang balikan buhay ng magnobyo
Na sumasaya lang sa tuwing Agosto
Atin ngang silipin ang magandang plano
Kung ano na kaya ang nangyari dito
Tapos na ang August summer tapos na rin
Ngayo'y nakatayo Kastilyong Buhangin
Sila'y nagkasundong laging didiligin
Ilalayo nila sa ulos ng hangin
Kastilyong Buhangin kanilang iniwan
Doon sa baybayin sa dalampasiigan
Ang usapan nila ito'y babalikan
This coming September, when the summer is gone….
(ni: Letty Manigbas Manalo)