in

Summer time, Summer love – Ikalawang Bahagi

Saksi ang kagandahan ng isla na binabalot ng gintong sikat ng papalubog na araw ay  kinabig ng binata ang dalaga at ikinulong ito sa kanyang mga bisig. Ginagad ng binata ang mga labi ng dalaga at matagal na halik ang iginawad nito, halik din ang tugon ng dalaga na sa mga oras na iyon ay itinalaga na niya ang pag ibig kay Nelson.

"Kung sino man ang dictator na napadpad at nagbigay ng pangit na ala ala dito wala sa akin yon. Ang islang ito ay mahalaga sa akin dahil sa iyo.  Ang isola D'elba ang saksi ng ating pagmamahalan at sapat na iyon upang magbigay kulay at kahulugan sa atin." ang pabulong na wika ng bulakenyo. Mahigpit na din ang mga yakap ni Winnie habang inilapit nito ang kanyang mga labi sa labi ng binata.

Napukaw ang pagbabalik ala ala ng katulong ng marinig niya ang doorbell. Habang inayos ang mga gagamitin sa marangyang handaan ay nakangiti itong ginugunita ang bawat sandali ng pagibig nila ni Nelson. Agad siyang nagtungo sa may pintuan at nabigla siya ng makita si Sir Wilford sa  harap ng villa.

" My skipper told me that it is a filipino tradition for a groom not to see his future wife with he wedding gown so he asked me to bring this to you!" pasigaw na wika ng ingles habang pumapasok ito sa bakuran ng mga Di Penta. Matapos ang mahabang batian ng mga amo ay bumaling ang ingles kay Winnie upang iabot ang kahon na laman ang trahe de boda.Inasikaso lahat ni Nelson sa Londra ang lahat ng gagamitin sa kanilang kasal.

 Isang taon ang lumipas at sa long distance calls, e mails atfacebook ay higit na nagkakilala ang dalawa. Minsan ay dumalaw  si Winnie sa London at sa Roma naman nagpasko ang binata. Sa loob ng isang taon ay nabuo din ang kagustuhan ng dalawa na magpakasal at sa tulong ni Senyora Di Penta ay naisaayos ang kasal sa simbahan ng isla.

" We will see you guys at the church tommorow morning!" pamamaalam ni Sir Wilford habang akbay nito ang pilipina na naghatid sa kanya sa may pintuan. " and by the way, Winnie, my secretary is almost done with your working permit. You will have an aussie contract but you will work for me as staff nurse in my yatch. Just like what I did with your goodman Nelson.  I already talked with the Di Pentas and they are as thrilled as I am with your love story and we are all happy for you!"

Hindi pa halos makapaniwala si Winnie sa mga narinig na sinabi ng among ingles ni Nelson. Alam na rin niya ang pagsang-ayong ng kanyang mga among italyano sa paglipat nito sa London upang makasama ang kanyang kasintahan. Higit sa lahat ay hindi pa rin siya makapaniwala sa marangyang kasal na inihanda ni Nelson. isang magandang pag ibig sa isang magandang isla ng Italia.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karagdagang 32 bansa, may proteksyon sa mga ofws

Mag-impok at Magkabahay sa bagong Pag-IBIG Fund