in

Superheroes – mga imigrante na sumasagip sa mundo

Dulce Pinzón, ang photographer na kumuha ng litrato sa mga Mexican workers sa New York habang nasa kanilang misyon, suot ang costume ng mga superheroes. “Tulad ng mga superheroes, nalalampasan nila ang mga matitinding kundisyon upang tulungan ang mga pamilya at komunidad”.

Rome, Nob 12, 2012 – Si Dulce Pinzón, ang Mexican photographer na namumuhay sa New York. Isa sa kanyang mga inspirasyon ay ang imigrasyon, karaniwang ang kanyang mga kababayan at ang istorya ng kanilang buhay ang kanyang modelo sa kanyang mga larawan..

Ang kilalang mga superheroes ay ang tampok ng mga Mexican workers sa New York, “mamamayang matatapang at buo ang loob” paglalarawan ng photographer sa kanyang website – na sa kanilang sariling paraan, at hindi sa pamamagitan ng anumang superpower, ay nalalampasan ang mga matitinding kundisyon sa trabaho, upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya at ng komunidad upang mabuhay at maging sagana. Isang perpektong halimbawa ng mga hereos na karaniwang hindi napapansin ng sinuman.

Ang konseptong ito ng mga superheroes ng kalapit bansa, ang naging subject ni Pinzon habang ang mga ito ay nasa misyon , suot ang costume ng kanilang heroes. Maigsing teksto, kasama ng kanilang picture, ay nasasaad ang kanilang pangalan, lugar ng kapanganakan at ang kanilang hanapbuhay at ang halaga ng kanilang kinikita na naipapadala sa mga mahal sa buhay.

– Superman – Noe Reyes, delivery boy sa Brooklyn, 500 $ weekly

– Spiderman – Bernabe Mendez, professional window cleaner sa State of Guerrero, 500$ weekly

– Hulk – Paulino Cardozo, green grocery loader sa State of Guerrero, 300 $ weekly

– Elasticman – Sergio Garcia, waiter sa New York, 350 $ weekly

– Batman – Federico Martinez, taxi driver sa New York, 250 $ weekly

– Catwoman – Minerva Valencia, nanny sa New York, 400 $ weekly

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PE Consular Section’s new schedule

“Mahalagang baguhin ang Bossi-Fini law” – Renzi