Ang panahon ay mayroong iba’t ibang katangian batay sa uri nito: taglamig, tagsibol, tag-init at taglagas. Narito ang isang tula ukol sa tag-init!
Marami ang nagtataka, Marami ang nagtatanong
Kung bakit daw itong klima, Nagbabago taon-taon
Bakit nga ba may malamig, At mainit na panahon
Meron winter meron spring, Meron summer meron autumn
Pagsumapit na ang winter, Katawan ay nanlalambot
Ang lamig ay gumagapang, Sa balat ay nanunuot
Tumatagos sa kalamnan, Sa buto ay sumusuksok
Parang ayaw nang tumayo, Ang tuhod na nanlalambot
Ang araw ay nagtatago, Nawawala na ang init
Kung bagamat lumilitaw, Bahagya lang sumisilip
Nagsasabog ng mapanglaw, Na liwanag sa paligid
Sa lamig na dulot niya, Walang hindi manginginig
Pag sumapit ang Agosto, Ang lamig ay naglalaho
Lumalabas sa himlayan, Ang araw na nagtatago
Sa umaga pagsikat nya, Ang silanga’y kulay dugo
Naghahasik ng panganib, Pag sa balat ay dumapo
Ngayo’y ating nadarama, Ang init na nagngangalit
Na hatid ng haring araw, Pag Agosto ay sumapit
Kaya naman ang marami, Nagtatanggal na ng damit
Di na kayang tiisin pa, Ang init na sakdal lupit
Tabing dagat pagmasdan mo, Punong puno ng diwata
Mga hubad na katawan, Nakalatag na sa lupa
Bawat panig na tingnan mo, Sa kanan at sa kaliwa
Ingatan mong magkasala, Mga matang may malisya
Marami ang nagagalak, Pag Agosto’y dumating na
Madali lang ang magbihis, Konting saplot ay okey na
Isang pares ng bikini, Pag sinuot sa umaga
Isang bagay ang tiyak ko, Pag tinanggal maalat na
Pagkatapos nitong summer, Susunod na ang autumn
Nag-iiba na ang simoy, Naaayon sa panahon
Agosto ay natapos na, Tapos na rin ang bakasyon
I’ll see you on September, Saan ka man naroroon
ni: Letty M Manalo