Isang kwentong napapanahon at kathang-isip lamang na ang tanging layunin ay ang magbigay-aliw sa mga mambabasa. Anumang pagkakatulad sa pangalan o kaganapan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang.
“Eccomi!!!”, halos ang pasigaw ang sagot ni Lydia sa roll call habang mabilis na inaayos ang sarili sa kanyang upuan. Nagpadala siya ng pera sa bangko at tuloy nagbayad ng balikbayan box sa kanyang suking tindahang Pinoy sa Termini na may kalayuan sa Embahada.
“Kung kailan malapit nang matapos ang kurso ay saka pa na late si Mother“. Ang pahayag ni Federico. Volunteer instructor si Federico sa computer learning course na proyekto ng Embahada. “Okey, open your computers babies and let’s go clicking!!”, masayang panimula ng guro. Punado sa kanyang pananalita ang malambing niyang kasarian.
“Madam, di ba allegati ang topic natin ngayon? May isinend sa akin ang dalagita ko may attached doc daw ano ba yon?” Hinihingal pa si Lydia habang binubuksan ang dalang laptop computer.
“The paper clip symbol clearly explain the meaning of an attached doc. Ibig sabihin ay hiwalay na dokumento na kasama sa electronic mail mo.” Simpleng sagot ng guro na lalong pinatingkad ang pagka-babae sa kanyang kilos at gawa. Stilo ni Federico ang gamitin ang kanyang pagka homesexual para makuha ang attention ng mga may edad nang estudyante. Kailangan ay simpleng mga paliwanag lamang na babatay sa karamihang ofws na matagal nang hindi nakararanas ng isang formal lesson. Ang tanging layunin ng proyekto ay mapaglapit ang mga ofws at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng sapat na kaalaman sa computers.
“Valedictorian ang anak ko!!” Hindi napigil ni Lydia ang tuwa sa nabasang sulat ng anak na si Victoria. Sigaw na nagpatigil sa leksyon ng guro. Ang atensyon ng lahat ay nasa luhaang kaklase na hindi na makuhang basahin ang sulat ng anak. Umiiyak na rin ang ilan sa kanila. Alam ng lahat ang hirap na desisyon ni Lydia na huwag umuwi. Natatakot si Lydia na magkaproblema dahil under renewal ang kanyang permesso di soggiorno. Ang luha ng ilan sa kanila ay luha ng katotohanang sila din ay hindi nakauwi sa ilang mga importanteng okasyon ng kanilang pamilya.
“Hoy ! Save your teardrops for tonight’s soap opera sa T V. Kung hindi mabasa ni mother ang sulat ni Vicky, give me the laptop and i-connect ko sa screen. We will have it as example.” Tumayo si Federico at siya na din ang kumuha ng laptop ni Lydia. ikinabit ito sa multi projector upang sa wide screen makita ng lahat ang sistema ng attached document.
Dear Mama,
How are you? Hope I’m with you in Rome para maipagluto man lamang kita after your hard working day. Ma, salamat po ng marami sa perang padala ninyo for my computer. Apple po ang pinabili ko kay Papa so I can even edit our old family videos. Don’t worry ma, pag uwi mo I will teach you more about computer programmes.
I am so sorry you cannot come by March 16, our graduation but I understand the situation. Alam namin how hard it is to process documents in Italy. Bawi na lang po tayo by Christmas hoping you have all your papers done by December.
Ma, naka attached po yung valedictory address that I had prepared. Yes mama, VALEDICTORIAN po ako so please read my speech and tell me if it is okey for you.
I love you po mama and we really miss you a lot!!
Your daughter,
Victoria
.…… ipagpapatuloy
ni: Tomasino de Roma
THE GRADUATION – Ikalawang Bahagi