Mga sumakabilang buhay na, ngunit ay patuloy pa ring kumikita dahil sa kanilang mga ari-arian.
Oktubre 25, 2012 – Kung dead celebrity ang pag-uusapan, ay tila mahirap talunin ang nag-iisang Michael Jackson. Ang dating pop singer na sumakabilang buhay noong 2009 sa edad na 50, na kumita ng higit sa sinumang nabubuhay na celebrity sa huling 12 buwan: $145 million dollars.
Ngunit sa taong ito ay naging mahirap para sa dating pop singer ang manatiling top. Sa pagkakataong ito ay ikalawa sa Top Earning Dead Celebrities si Jackson at kinuha ni Elizabeth Taylor ang top 1. 79 taong gulang ng pumanaw noong nakaraang taon at kumita ng $210 million.
Malaking parte ng kita ay nagmula sa auction ng mga alahas, costumes at art work. Ito ay nagpasok ng $184 million. Ang pinakamahal ay ang Van Gogh painting na nagkakahalaga ng $16 million. Buhat naman sa mga property sales at residuals ng mga film ni Taylor ang natitirang halaga.
Salamat sa one-time auction, ay top 1 si Taylor, dahil magiging mahirap talunin ang isang Michael Jackson na kumikita buhat sa sariling musika at nagmamay-ari rin ng 50% stake ng ATV catalog Sony kasama ang mga artistang The Beatles, Taylor Swift and Lady Gaga.
Si Jackson ay kumita ng higit ng $90 million kaysa kay Elvis Presley na mayroong $55 million kita, kaparehas noong 2011.
Nasa ika-apat na pwesto si Charles Schulz ng Peanuts na kumita ng $37 million. Matapos ang 60 taon, ay mainit pa rin ang tanggap ng mga kabataan.
Ang dating singer na si Bob Marley ang nasa ika-limang pwesto na kumita ng $17 million noong nakaraang taon. Ang singer ay kilalang businessman dahil sa kasalukuyang Marley beverage company na nagbebenta ng Marley's Mellow Mood, isang "relaxation drink”. At ang House of Marley na nagbebenta ng mga headphones, speakers at "lively up" bags.
Ang listahan, buhat sa yahoo.news ay kita mula Oktubre 2011 hanggang Oktubre 2012. Karaniwang buhat sa mga ari-arian ng mga artists ngunit hindi ibinawas mula dito kung sa paanong paraan ang mga ito hinahawakan. Halimbawa, malaking bahagi ng kita ni Taylor ay buhat sa auction ngunit ilang bahagi nito ay napupunta sa Aids foundation na hindi ibinabawas sa kanyang total earnings.