in

Walang bayad na Money Transfer App, inilunsad ng Sendwave para sa mga Filipino Overseas 

Inilunsad kamakailan ng Sendwave ang walang bayad, na money transfer app para sa mga Pilipino na naninirahan sa ibang bansa. Ito ay matapos idagdag ang Pilipinas bilang receiving country ng mga serbisyo nito.   

Layunin ng Sendwave na gawing madali at mura ang pagpapadala ng pera sa mga mahal sa buhay tulad lamang ng pagpapadala ng text message. Sa katunayan, pinagmamalaki ng Sendwave ang pananatiling walang komisyon ng serbisyo nito sa Pilipinas. 

Hindi tulad ng ibang kumpanya, ang Sendwave ay hindi umaasa sa mga agents nito. Malaki ang natitipid sa mga gastusin kung kaya’t nakakapagbigay sa mga users ng competitive exchange rates. 

Ang app ay available sa United States, Canada, Italy at ibang bahagi ng Europa at nagpapadala ng pera sa 15 bansa na mayroong mahigit na 600,000 users. Ito ay may 4.6 rating sa Trustpilot.

Mahalaga ang papel ng 450 employees ng Global team upang magkaroon ng magandang koneskyon ang Sendwave sa mga users nito. Maraming team members ang naninirahan abroad o mayroong miyembro ng pamilya sa bansang sineserbisyuhan nito. Ito ang nagbibigay ng mga importanteng impormasyon at karanasan na kinakaharap ng mga users sa pagpapadala ng remittances, na nakakatulong naman upang mapasuhay pa ang mga serbisyo ng Sendwave pati na rin ang customer care. 

Sendwave sa Pilipinas!

Ang paglulunsad sa Pilipinas ay naging madali para sa kumpanya. 

Nagsimula ang Sendwave sa panahong maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nahaharap sa instability dahil sa pandemya. At nakita nito ang pangangailangan ng komunidad para sa isang libreng serbisyo na may mataas na exchange rate. At ito ay mabilis naming naisakatuparan! 

Dahil sa pandemya ay nadiskubre ang pangangailangang gumamit ng digital na pamamaraan sa pagpapadala ng pera”, ayon kay Will Fogel, ang CEO ng Sendwave. “Nais naming tumulong sa komunidad at matugunan ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot-kayang pagpapadala ng remittance sa mga taong pinapahalagahan nila.”

Serbisyo ng Sendwave, narito kung paano 

Ang paggamit ng Sendwave app ay simple at intuitive. Maaaring i-download ang Sendwave mula sa App Store o Google Play (hanapin lamang ang friendly little penguin). Pagkatapos ay ilagay ang ilang impormasyon, mag-sign up at pillin ang bansang nais na padalhan ng pera. 

Mula dito, maaaring magdagdag ang mga user ng bagong beneficiary, piliin ang paraan ng pagbabayad, at ilagay ang mga kinakailangang impormasyon para sa beneficiary. Pagkatapos ilagay ang halagang nais na ipadala, at wala ng ibang gagawin kundi i-click ang ‘send’ button at kumpirmahin ang transaksyon! 

Ang mga beneficiaries ay maaaring piliin kung paano matatanggap ang pera:

  • GCash, 
  • Bank account (maaaring ipadala ng Sendwave sa higit 30 pangunahing bangko kabilang ang PNB, BDO, at Metrobank),
  • Cash pickup sa M Lhuillier, Cebuana Lhuillier, Palawan Pawnshop, LBC Express, at iba pa. 

Makakatanggap ang beneficiary ng text notification ukol sa cash pickup o Gcash transfer sa loob lamang ng ilang minuto. Para naman sa bank transfer, i-check lamang kung may pumasok na pera sa account. Ito ay karaniwang natatanggap mula 1 hanggang 5 oras matapos ipadala ang pera. 

Sendwave at Ako ay Pilipino 

Isang special promo ang inilalaan ng Sendwave sa mga readers ng Ako ay Pilipino!

Isulat lamang ang promo code AKO, ang Sendwave ay magpapadala autotomatically ng karagdagang €10 free credit (humigit-kumulang PHP 571) sa unang money transfer.

Para sa karagdagang impormasyon, www.sendwave.com o hanapin sa Facebook sa @sendwave o Instagram at Twitter sa @sendwaveapp. Maaari ring i-download ang Sendwave gamit ang App Store o Google Play.

Ano ang Sendwave

Ang Sendwave ay isang money transfer app na layuning gawing mura at abot-kaya ang pagpapadala ng pera sa mga mahal sa buhay tulad lamang ng pagpapadala ng text message.

Ito ay nilikha ng dalawang engineers mula sa Brown University at sinusuportahan ng mga nangungunang team ng mga rispetadong officers, international bankers, fintech guru at operational experts mula sa Citibank, Chase, Google, Uber, Western Union, at iba pang kumpanya. Simula nang ilunsad noong 2014, nakatulong ang Sendwave sa mahigit 600,000 miyembro ng diaspora na magkapagpadala ng higit sa $10 bilyon remittances sa mga mahal sa buhay gamit ang industry- standard 128-bit encryption. 

Money transfer

Ang pagpapadala ng pera ay ligtas, mabilis, maginhawa, at abot-kaya, na nagbabalik ng pera sa bulsa ng mga pinahahalagahang tao. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.sendwave.com o i-download ang mobile app gamit ang App Store o Google Play.

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.7]

OFW Watch Italy National Youth Summit 2022, matagumpay na naidaos 

Tourist Visa 2022: Ang mga dapat malaman sa pagpunta sa Italya para sa Turismo