in

Wastong Nutrisyon, isusulong ng Ministry of Health

Ang kalusugan ay ang sanhi at epekto ng wasto at balanseng alimentasyon at regular na pisikal na aktibidad na parehong dapat ugaliin upang malabanan ang mga karamdaman”.

 

Roma, Agosto 25, 2015 – Ngayong buwan ng Setyembre ay isusulong ng Ministero della Salute ng Italya ang kampanya ukol sa ‘Wastong Nutrisyon’ – Campagnia sulla corretta nutrizione – Mangia sano, investi in salute.

Magsama-sama ang mga dalubhasa, eksperto at ang mga Regioni para mabigyan ng atensiyon ang mga pangunahing problema dulot ng maling estilo sa buhay.

Higit na sa 1 milyon ang taong sobra sa timbang dito sa Italya” – ani Giuseppe Ruocco, Director-General ng l’Igiene e la Sicurezza degli Alimenti e della Nutrizione ng Ministero della Salute. Dagdag pa niya na sa tulong ni Ministro Lorenzin, ay maipalaganap sa lahat ng mamamayan, sa loob ng 1 taon, ang wastong nutrisyon para maiwasan ang mga sakit na dulot ng maling alimentasyon at maging maingat sa mga kinakain.

Ang kampanya ay nakalaan para sa buong populasyon at lahat ng edad. Ito ay nagtataglay ng mga pangunahing mensahe at mga rekomendasyon buhat sa Ministry of Health: “Ang kalusugan ay ang sanhi at epekto ng wasto at balanseng alimentasyon at regular na pisikal na aktibidad na parehong dapat ugaliin upang malabanan ang mga karamdaman”.

Sa katunayan, sa nakaraang 50 taon, maraming pagbabago sa alimentasyon sa Italya. Ang tinatawag na diyetang Mediterranea ay napalitan na ng mga pagkaing matataba, malalangis at matatamis na nakakain sa mga fastfood chains. Dahil sa pagbago ng uri ng pagkain at ng estilo ng buhay, ay nagdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng mga mamamayan. Tumaas ang bilang ng mga maysakit sa diyabetes, ipertensyon, kanser, sakit sa puso, sakit sa baga, sakit sa bato, at katabaan.

Kaugnay nito, layunin ng kampanya ang pagpapalaganap ng mga multimedia materials sa pamamagitan ng web at social networks. Inaasahan din ang paglabas ng mga booklets.

Wastong nutrisyon ang kailangan, para maiwasan ang mga lifestyle diseases. Ang lifestyle diseases o Non-communicable diseases (NCDs) ay tinatawag ding behavioral diseases sa kadahilanang ito ay may kaugnayan kung paano tayo namumuhay. Ang akala ng marami ito ay sakit ng mayaman o matatanda lamang. Ang pagkakaroon ng lifestyle diseases ay nagsisimula sa sinapupunan pa lamang (pagbubuntis) at ito ay maaaring magpatuloy hanggang sa pagtanda kung hindi ito matugunan. Ito ay mga karamdamang hindi naman nakakahawa, pero bunga ito ng kapabayaan ng tao patungkol sa nutrisyon. Ito rin ay dulot ng paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, kakulangan sa ehersisyo, stress, pagiging mataba, maling diyeta, at pagkain sa sobrang matatamis, maaalat at malalangis.

Kabilang sa lifestyle diseases ang diyabetes, ipertensyon, sakit sa puso, sakit sa bato, sakit sa baga, kanser, at katabaan.

Mga Dapat Malaman Tungkol sa LIFESTYLE DISEASE – Sources: www.salute.gov.it , www.nscb.gov.ph, www.wordpress.com, www.wikipilipinas.org

 

 

Loralaine J. Ragunjan – FNA-Rome Foundress

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay isang turista. Maaari ba akong manatili at mag-trabaho sa Italya?

Idoneità Alloggiativa, higit sa 300 euros