Sisimulan bukas, Jan 5 ang pinakahihintay ng marami, ang ‘saldi’! Online sale? Narito ang mga dapat malaman.
Enero 4, 2017 – Narito ang mga petsa ng simula ng winter sale kada rehiyon.
Abruzzo: Jan 5 / Mar 5
Basilicata: Jan 5 / Mar 2
Calabria: Jan 5 / Feb 28
Campania: Jan 5 / Apr 2
Emilia Romagna: Jan 5 / Mar 5
Friuli Venezia Giulia: Jan 5 / Mar 31
Lazio: Jan 5 / Feb 15
Liguria: Jan 5 / Feb 18
Lombardia: Jan 5 / Mar 5
Marche: Jan 5 / Mar 1
Molise: Jan 5 / Mar 5
Piemonte: Jan 5 / Feb 28
Puglia: Jan 5 / Feb 28
Sardegna: Jan 5 / Mar 5
Sicilia: Jan 5 / Mar 15
Toscana: Jan 5 / Mar 5
Trento: Jan 5 / Mar 5
Bolzano: Jan 5 / Feb 18
Umbria: Jan 5 / Mar 5
Valle D’Aosta: Jan 5 / Mar 31
Veneto: Jan 5 / Feb 28
Online sale, mga dapat malaman
Samantala, para sa online sale, ang mga patakaran ay karaniwang mas mahigpit, dahil ang mga websites ay hindi lahat italian websites at nangangahulugang ang mga ito ay hindi napapailalim sa pamamahala ng Regione.
Gayunpaman ang mga online shops ay karaniwang maagang sinisimulan ang sale kahit bago pa man mag-pasko upang makahikayat sa mas maagang shopping.
Samantala, ang mga shops na mayroon din online shopping, ay ginagawang sabay ang simula ng sale tulad ng malalaking tatak tulad ng Zara o H&M.
Isang paalala na sundan ang mga official websites na nais kahit pa bago magkaroon ng sale dahil marami at iba-iba ang mga items na inilalagay sa offer at ang mga ito ay maituturing na magandang pagkakataon.
Gayunpaman, sa inyong pagso-shopping online ay ipinapayong magtiwala lamang sa mga website na tanyag at subok na sa online shopping dahil higit na sigurado sa kalidad ng produkto at mapagkakatiwalaang serbsiyo.
Basahin rin:
Ilang tips upang maiwasan ang impluse buying ngayong sale!
Sale Sale Sale, narito ang ilang tips!