in

YOUPol ng Polizia di Stato, maaaring gamitin sa pagreport ng krimen

YOUPol Polizia di Stato Ako Ay Pilipino

Ang YOUPol ay ang instrumento na inilunsad ng Polizia di  Stato na magpapahintulot sa mga mamamayan na mai-report ang ilang uri ng krimen.

Sa pang araw-araw na pamumuhay ay maari tayong magkaroon ng iba’t-ibang karanasan ng karahasan. Mga karanasan laban sa ating mga karapatan tulad ng karapatang tratuhin ng may dignidad at paggalang. O di kaya’y karapatan sa proteksyon sa panliligalig o pagbabanta. 

Ang iba ay agad na nabibigyang aksyon. Ang iba ay hindi dahil sa kawalan ng testigo o lakas ng loob na harapin ito. Minsan naman ay nangyayari sa loob mismo ng sariling bahay. Ang pinakamasaklap pa sa ibang pagkakataon ay sariling kapamilya ang sangkot na may pagbabanta. 

Base sa datos ng ilang ahensya ng gobyerno,  ilang episodyo ng biyolensa ang naitatala nila kada oras. Sa mga report ay kalimitang mga kababaihan o mga kabataan ang nabibiktima. Tinatayang aabot sa doseng biktima kada araw, katumbas ng halos isang kaso kada dalawang oras.  Pinakatalamak umano sa mga naitatala ay ang pisikal at emosyonal na pang-aabuso.

Ayon pa rin sa rekord  ng mga awtoridad, nasa dalawa sa limang biktima ang hindi nakakapag-sumbong sa mga awtoridad. May mga pumipigil sa mga biktima: pagba-blackmail sa mga kababaihan, pagbibidyo ng mga sexual acts, at dala ang takot  na masaktang muli. Ang iba naman ay hindi kayang kumuha ng abogado. 

Ano ang YOUPol?

Hindi ipinagwalang-bahala ang mga datos na ito at ang gobyerno ng Italya ay nakaisip ng paraan. Naglunsad  ang Polizia di  Stato ng makabagong instrumento. Isang APP  gamit ang mga smartphones at internet  at tinawag itong YOUPol

Ngayon ay maari nang ireport ang mga krimen na wala nang mahaba pang landas na tatahakin. Mabilis at confidential ang lahat at ganon din kabilis ang aksyon ng mga awtoridad. Real time ito at maaring magpadala ng report, videos o mga pictures  ng nasaksihang krimen. Isa pang mahalagang elemento ay ang geolocalization ng APP. Sa sandali ng ating pagreport ay tukoy na agad ng central unit ang ating kinaroroonan.

Matatandaan na bago inilunsad ang YOUPOL ay may dalawang paraan ng pagreport ng mga  krimen. Una ay ang pagpunta sa himpilan ng kapulisan at  doon magsampa ng reklamo. Ang pangalawa ay sa pamamagitan ng abogado na siyang magaayos  ng lahat para sa atin kapalit ang kanilang “service charge”.

Sa kasalukuyan ay mayron lamang ilang uri ng kaso na maaring ireklamo gamit ang APP na ito. Paggamit at pagtulak ng ipinagbabawal na gamot, bullismo at domestic violence. Ayon sa mga awtoridad, hindi umano  ito ang kapalit ng denuncia o querela.  Ito ay isang  epektibong  instrumento  upang mabilis na maiparating sa mga awtoridad ang mga episodyo ng mga kasong nabanggit.

Paano naman ito ginagamit?  

I-download  ang YOUPol sa google play o sa Apple Store.  I-set ng awtomatiko ang  geolocalization. Sa pamamagitan ng APP na ito ay maaring makapagpadala ng mga litrato o mensahe na hindi lalampas sa 500 na kataga. Sa madaling salita, ang APP na ito ay parang whatsapp o viber ng mga Pulis. Maari ring  tumawag ng direkta sa mga awtoridad gamit ang RED Button ng APP. Agad na ikokonekta ang callersa sala operativa na magpapadala sa lalong madaling panahon ng patrol dipende sa kaso.

Ang pinakamaganda sa APP na ito ay ang confidentialityAnonymous  ang report at mapapangalagaan ang ating mga personal na datos.  Ang pagrehistro ay kinakailangan lamang upang masiguro ng sistema na ang report ay awtentiko.   

Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na makiisa sa kanila sa  pagsugpo ng kriminalidad sa bansa. 

Gamit ang mga smartphones sa buong bansa, ang mga mamamayan ang magiging “living CCTVs”. Mahuhuli ang mga sangkot, magagamit na matibay na ebidensya ang report  at hindi na makatanggi pa ang mga maysala.

Pakiusap din sa mga mamamayan na gamitin lamang ang makabagong APP na ito kung tunay na may pangangailangan. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 3]

Ano ang Permesso Unico di Lavoro para sa aplikasyon ng Assegno Unico?

Valle d’Aosta sa zona arancione at Campania sa zona gialla