Narito ang mga may pahintulot at mga ipinagbabawal sa zona Gialla simula sa Biyernes November 6 hanggang December 3, 2020.
- Anong oras ipinagbabawal ang paglabas ng bahay?
Araw-araw simula 10pm hanggang 5am ay ipinagbabawal lumabas ng walang balidong dahilan. May pahintulot lamang lumabas ang para sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
- Kakailanganin ba ang autocertificazione?
Oo, sa tuwing lalabas ng bahay o babalik ng bahay mula sa trabaho mula 10pm hanggang 5am ay kailangan ang magdala ng autocertificazione.
Basahin din: Autocertificazione, kailangan gagamitin?
- Maaari bang bumisita sa mga kamag-anak?
Hindi ipinagbabawal ang pagbisita sa kamag-anak ngunit inererekomenda ng gobyerno, kahit sa araw, na iwasan muna ang paglabas ng bahay na hindi naman mahalaga ang dahilan, maliban na lamang kung maggo-grocery o pupunta sa pharmacy.
- Maaari bang ilabas sa gabi ang aking pet?
Oo, sa araw ngunit ipinagbabawal mula 10pm hanggang 5am, sa oras ng curfew.
- Maaari ba akong magpunta sa Toscana region mula sa Lazio region?
Oo, may pahintulot ang pagpunta sa mga rehiyon ng zona gialla. Ngunit sa pagsapit ng oras ng curfew, mula 10pm hanggang 5am, ay pinahihintulutan lamang lumabas ng bahay kung ang dahilan ay para sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
- Maaari bang magpunta mula Lazio region sa ibang rehiyon ng zona arancione o zona rossa?
Oo, kung ang dahilan ay para sa kalusugan, trabaho at pangangailangan. Sa pagkakataong ito ay kailangang magdala ng autocertificazione. Maliban sa nabanggit ay hindi pinahihintulutan.
- Ang mga paaralan ba sa Lazio at mga rehiyon ng zona gialla ay sarado?
Ang mga mag-aaral ng Scuola Superiore ay magkakaroon ng video class o online class. Gayunpaman, may pahintulot magpatuloy sa pagpasok sa eskwela ang mga may kapansanan at mga klase na gumagamit ng laboratory. Sarado din ang unibersidad. Ang ibang antas, tulad ng materna, elementarya, at high school ay magpapatuloy ang pagpasok sa eskwela.
- Kailan magsasara ang mga supermarket?
Ang mga supermarket ay regular ang pagbubukas sa publiko. Kahit ang supermarket, newsstand, tobacco shops at pharmacy na nasa loob ng mga malls ay mananatili ring bukas sa weekend kahit pa sarado ang mga malls ng sabado at linggo.
- Ang mga bar at restaurants ba ay sarado din sa zona gialla?
Ang mga bars at restaurants ay magsasara sa publiko at hindi na maaaring tumanggap ng mga kliyente for dine-in simula 6pm ngunit hanggang 10pm ay maaaring tumanggap ng kliyente for take out at deliveries.
- Maaari bang magpunta sa cinema o sa gym?
Ang mga sineha at gym ay sarado tulad ng nasasaad sa nakaraang DCPM. Kahit ang mga theaters ay sarado din.