Mula sa via Arenula, hindi kasama sa bagong panuntunan ang domestic work. Fidaldo: “Kailangan ang isang opisyal na komunikasyon”.
Roma – Abril 8, 2014 – Isang pag-atras? Ang mga Italian families ay hindi obligadong humingi anti-pedophile certificate para sa mga babysitters na mag-aalaga ng kanilang mga anak. Ang artikulo 2 ng legislative decree 39/2014 laban sa pang-aabuso sa mga menor de edad, na simulang ipinatutupad kahapon ay hindi sakop ang domestic job.
Ito ay ang opinyon ng Ministry of Justice, upang maiwasan ang pila sa tribunale para sa mga naghahanap ng babysitter na tutulong sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.
"Ang domestic job ay pribado, at samakatwid ang bagong batas ay hindi ito nasasakop. Ito ay hindi isang kumpanya o isang asosasyon ng mga boluntaryo na tumatanggap ng mga manggagawa, bagkus ay isang pribado na tumatanggap ng isang pribado at samakatwid, ayon sa aming mga eksperto, ay hindi obligado ang humingi ng police record o certificato del casellario giudiziale”, paliwanang sa Sranieriinitalia.it ng editorial office ng Ministry of Justice.
Noong nakaraang Sabado, maging ang Ansa ay nagbigay ng iisang interpretasyon. Gayunpaman, “Walang pumipigil sa mga employer para humingi ng nasabing certificate”, bigay-diin ng via Arenula. Ngunit sa ganitong kaso, ang babysitter ang magtutungo sa tribunale at pipila para sumunod sa bureaucratic process.
Ang artikulo 2 ng dekreto 39/2014 ay lumikha ng malaking kaguluhan. Ayon pa sa dekreto “ang mag-empleyo ng isang manggagawa para sa isang professional o volunteer activity na mayroong regular at direktang pakikitungo sa mga menor de edad” ay kailangang humingi ng certificate of no criminal record, upang masuri kung nagkaroon ng krimen laban sa mga menor. Para sa mga employer na hindi susunod sa bagong batas ay papatawan umano ng multa sa 10,000 hanggang 15,000 euros na multa.
Sa mga paliwanag na kumakalat sa ngayon buhat sa Ministry of Justice , ay walang mga pagliliwanag na nagsasabing hindi sakop ang mga employer ng mga domestic workers.
Si Fidaldo ay humihingi ng isang kasiguraduhan: “Tinatanggap namin ang pagbibigay-lunas mula sa mga pahayag ng press office, ngunit kami ay naghihintay ng isang opisyal na paghahayag na ang mga employer ng domestic work ay hindi sakop ng bagong batas na ito, upang malinawan ang anumang pag-aalinlangan ukol dito."
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]