in

Assegno Sociale 2015, 5830 euros

INPS, itinakda ang bagong halaga ng benepisyo. Isang mahalagang pamantayan para sa mga dokumentasyon ukol sa imigrasyon, mula sa permit to stay hanggang sa family reunification.
 

Enero 15, 2015 – Bahagyang tumaas ang halaga ng ‘assegno sociale’. Isang magandang balita para sa mga senior citizens na ito lamang ang tanging inaasahan upang mabuhay. Mahalaga rin bilang pamantayan o ‘reference’ maging sa mga dokumentasyon ukol sa migrasyon.  
 
Tulad ng naging paliwanag ng INPS sa isang circular kamakailan, mula Enero 1, 2015, ang halaga ng buwanang welfare benefit o assegno sociale ay ginawang € 448.52, o € 5,830.76 sa isang taon, sa loob ng 13 buwan. Ito ay bahagyang tumaas ng 0,3% kumpara sa halaga nito noong nakaraang taon. 

 
Ang ‘assegno sociale’ ay nakalaan sa mga italians at mga EU nationals na naninirahan sa Italya sa hindi bababa sa 10 taon, may edad na 65 anyos at 3 buwan, at ang taunang sahod ay mas mababa kaysa sa halaga nito. Ang mga non-EU nationals naman ay maaaring makatanggap nito kung nagtataglay ng EC long term residence permit o mas kilala sa tawag na carta di soggiorno. 
 
Ang halaga nito, gayunpaman, tulad ng nabanggit sa itaas, ay mahalaga para sa lahat ng mga dayuhang naninirahan sa Italya. Sa katunayan, ito ay ang pamantayang ginagamit ng batas upang suriin ang kakayahang pinansyal ng mga dayuhan sa kanilang mga dokumentasyon. 
 
Ang mga non-EU nationals na nagnanais na mag-renew ng kanilang permit to stay sa taong ito o ang mag-aplay ng EC long term residence permit, halimbawa, ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng sahod o kita na hindi bababa o katumbas ng assegno sociale: € 5830.76. Sa mga dayuhang residente sa Italya na nagnanais na papuntahin sa Italya ang asawa, sa pamamagitan ng family reunification, ay kakailanganin na ang sahod o kita ay mas mataas ng 1.5% sa itinakdang halaga o ang € 8746.14 (€ 5830.76 X 1.5). 
 
Maging ang mga Romanians, Polish at ibang EU nationals ay mahalagang tandaan ang pagbabagong ito. Dahil upang manatili ng regular sa Italya sa loob ng 3 buwan, ay kanilang kailangang patunayang matutugunan ang paninirahan dito. Paano? Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kita o sahod na hindi bababa sa halaga ng ‘assegno sociale’ o  € 5830.76.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pope Francis, nasa Pilipinas na!!

Pope Francis’ speech at Malacañang