in

Berlusconi, sang-ayon sa italian citizienship ng mga anak ng imigrante

“Nababagabag ang aking kalooban sa tuwing makakarinig ng dayuhang kabataan na nagsasalita ng italian dialect”. Rete G2: “Paano mapaninindigan ng Pdl ang kanyang mga pangako?”

Rome – Pebrero 13, 2013 – “Nakakapagtaka na ang mga ipinanganak sa Italya ay hindi maaaring maging ganap na italian citizens. Ako ay sang-ayon dito”

Ito ang binitawang salita Biyernes ng gabi ni Silvio Berlusconi sa “Leader” sa Rai 3, ukol sa tema ng citizenship ng mga ipinanganak sa Italya. “Isa sa mga bagay na nakaka-bagabag ng aking kalooban – dagdag pa ng ex-premier – ay ang marinig ang isang dayuhang kabataan na nagsasalita ng dialect, siciliano o emiliano".

 “Kami ay natutuwa na ang Pdl ay pinag-aaralan ang isang susog sa batas ng pagkamamamayan, na mas bukas sa mga anak ng mga imigrante (l. 91/92). Ang pagbubukas na ito gayunpaman ay di pa diumano napapalalim”, ayon sa isang representative ng Rete G2 na nagsalita sa tv transmission at nagtanong kay Berlusconi kung ano ang masasabi nito ukol sa riporma.

 “Noong 2009 ang Pdl ay nagsumite ng isang disegno di legge na pirmado ni On. Bertolini na lalong nagpapahigpit sa mga criteria upang maging ganap na italian citizen. Lumipas na ang ilang taon kung saan ang mga kaanib ng Pdl ay napagtanto ang halagang matiyak sa mga Italians ang permit to stay sa mga lumaki sa Italya, mayroong pantay na karapatan bukod sa mga tungkulin ng kanilang mga kasamang italian passport holder”, paalala pa nito.

Ang Rete G2 gayunpaman ay tinatanong ang Pdl “kung paano ipagpapatuloy ang mga bintiwang salita ng kanilang leader upang kilalanin ang sinabing pagbubukas na ito”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinas, ikalawang bansa sa destinasyon ng mga remittances buhat sa Lombardy region

New Releasing Section, binuksan ng Embahada