in

Forms para kumpirmahin ang multi-annual permits ng seasonal workers, online na

Ang mga employers ay maaaring pabalikin ang kanilang mga workers sa Italya ng walang anumang dekreto. Kailangan lamang i- fill up ang mga forms online.

Roma, Enero 11, 2013 – Isa sa mga pinakamahalagang pagbabago noong nakaraang taon ay ang ukol sa mga seasonal workers na nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura o ng turismo na binigyan ng pagkakataong makapag-aplay para sa multi-annual permits.

Ang unang application ay dapat na isinumite ng kumpanya sa pamamagitan ng isang dekreto. Sa pagtanggap ng awtorisasyon (o nulla osta), ang mga employer ay maaaring pabalikin ang mga workers sa Italya anumang panahon nila kailanganin ang mga ito sa susunod na dalawang taon, sa pamamagitan lamang ng isang simpleng komunikasyon at hindi na kakailanganin ang maghintay muli ng panibagong dekreto. Ito ay isang mabilis na proseso na magpapahintulot sa worker na maging kapaki-pakinanabang sa panahong kailangan ito.

Simula noong nakaraang Jan 3, ang mga employer ay maaaring magsumite ng komunikasyon upang kumpirmahin ang hiring ngayong 2013 ng mga seasonal worker na pinagkalooban ng multi-annual permit. At ngayong taon ay maaari itong gawin ng bagong employer o hindi na ang employer nong nakaraang taon.

Ang buong proseso ay gagawin online, sa pamamagitan ng website nullaostalavoro.interno.it, ng mga employer mismo o sa tulong ng mga asosasyon (at iba pa). Apat na uri na forms ang matatagpuan dito:

Form CSP (1° anno): Ito ay ginagamit upang kumpirmahin ang hiring ng seasonal worker na nakatanggap ng multi-annual permit sa pamamagitan ng Decreto Flussi Stagionali 2012.

Form CSP (2° anno): Upang kumpirmahin ang hiring ng seasonal worker na nakatanggap ng multi-annual permit sa pamamagitan ng Decreto Flussi Stagionali 2011 at kinumpirma ang hiring ng same worker noong 2012 (CSP 1° anno).

Form CSP Altro Datore (CSP-AD) (1° anno): Ito ay ginagamit upang kumpirmahin ng bagong employer, ang hiring ng seasonal worker na nakatanggap ng multi-annual permit sa pamamagitan ng Decreto Flussi Stagionali 2012.

Form CSP Altro Datore (CSP-AD) (2° anno): Ito ay ginagamit upang kumpirmahin ng bagong employer ang hiring ng seasonal worker na nakatanggap ng multi-annual permit sa pamamagitan ng Decreto Flussi Stagionali 2011 at at kinumpirma ang hiring ng same worker noong 2012 (CSP 1° anno).

Ang komunikasyon ay darating online sa konsulado ng Italya sa bansa kung saan residente ang worker, na maaaring mag-aplay para sa entry visa, sa panahong matatagpuan ng worker sa website ng domanda.nullaostalavoro.interno.it, ang salitang “NULLA OSTA INVIATO ALL’AUTORITÀ CONSOLARE” sa kanyang aplikasyon. Kakailanganin ang password at user name  na ginamit ng employer para sa komunikasyon. Ipinapayang magbigay ng kopya sa worker ng multi-annual permit na ipinagkaloob ng Sportello Unico per l’Immigrazione.

Kapag nakuha ang entry visa, ang seasonal worker ay maaaring bumalik muli sa Italya, pirmahan muli ang kontrato at mag-aplay para sa permit to stay, upang makapag simula muli sa kanyang trabaho.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano makokontrol ang status ng aking ni-renew na permit to stay?

Pinay, binawian ng buhay sa aksidente