in

Implementing rules ng bonus bebè, pirmado na!

Pirmado na ng pamahalaan ang implementing rules sa pagtanggp ng assegno o benepisyo ng 80 euro kada buwan.  Ito ay nakalaan rin sa mga new Moms at new Dads na imigrante, basta’t mayroon lamang na EC long term residence permit o carta di soggiorno.  
 
Roma – Pebrero 12, 2015 – Dapat sanay ipinatupad nitong simula ng taon ngunit ang tanyag na ‘bonus bebe’, hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling sa papel lamang. 
 
Kahit nilalaman na ito sa pinakahuling Legge di Stabilità, ang pamahalaan ay kinailangan pang tapusin ang mga detalye ng pamamaraan nito upang ang mga new Moms at new Dads ay masimulang magsumite ng mga aplikasyon. 
 
Ngunit kamakailan ay isang magandang balita ang nagbuhat sa Council of Ministries. “Ang implementing rules ng bonus ay pinirmahan na ni Ministers Poletti at Lorenzini: ay samakatwid ipatutupad na”, anunsyo ni Minister of Interior Angelino Alfano sa pagtatapos ng pulong.

 
 
Sa katunayan ay kakailanganin pa ang ilang araw, dahil ang dekreto na pinirmahan ay kailangan pang dumaan sa ilang institusyon. Inaasahan ang pagsusumite ng mga aplikasyon ay sisimulan sa Marso. 
 
Ang bonus ay tumutukoy sa 80 euros kada buwan na ibibigay ng Inps sa mga magulang sa loob ng 3 taon matapos ang kapanganakan o ang legal na pag-aampon sa isang bata. Ito ay nakalaan sa mga mamamayang italyano, Eu nationals at non-Eu nationals na mayroong carta di soggiorno.
 
May limitasyon rin sa kita: maaaring makatanggap ng bonus ang mga pamilya na ang Isee (indicatore della situazione economica equivalente) ay na hindi lalampas sa 25,000 euros yearly. Ngunit kung ang Isee ay hindi naman lalampas sa 7,000 euros yearly, ang halaga ng bonus ay ibibigay ng doble o 160 kada buwan. 
 
Ayon sa legge di stabilità, makakatanggap ng bonus ang mga nanganak o nag-ampon simula Enero 2015. Ito ay nangangahulugan lamang na kahit maantala, ay maaari pa ring matanggap ang benepisyo mula Enero ng taong kasalukuyan. Tinatayang aabot sa 50,000 sanggol/bata ang mga ipinanganak noong Enero.  
 
Upang maiwasang mahuli sa pagsusumite ng aplikasyon, pinapayuhan ang mga magulang na kumuha ng Isee 2015 na kakailanganin sa pagsusumite ng aplikasyon. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Stunning devices, iwasang dalhin sa hand-carried o check-in luggage

ISEE, ano ito at saan ito ginagamit?