in

Malawakang operasyon ng Mos Maiorum

Simula ngayong araw na ito, Oktubre 13 hanggang Oktubre 26 ang mga pulis ng lahat ng Member State ng EU, sa pangunguna ng Ministry of Interior sa isang malawakang operasyon. Cospe: "Hindi makatao at walang halaga" 
 

Roma – Oktubre 13, 2014 – Ang mga pulis sa buong Europa ay naghanda para sa isang malawakang operasyon laban sa iligal na imigrasyon. Ang layunin nito ay upang itigil at magtala sa loob ng dalawang linggo ng malaking bilang ng mga iregular na migrante upang malaman kung paano nakapasok at paano nakaka-ikot sa loob ng Schengen area, at pagkatapos ay ang tuluyang buwagin ang network ng human trafficking. 
 
Ang operasyong ito ay isang inisyatiba ng pamahalaan ng Italyano sa pangunguna ng Immigration Department at Border Police ng Ministry of Interior. Ito ay kanilang tinawag na “Mos Maiorum” at sa latin ito ay nangangahulugang (magandang) mga gawi ng mga ninuno kung saan libu-libong mga pulis ang kikilos mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 26. 

 
Sa isang kumpidensyal na dokumento na isinumite sa Brussels noong nakaraang Hulyo 10 buhat sa Italian Presidency of the EU Council ay nasasaad ang mga impormasyon na dapat kunin ng awtoridad buhat sa mga mahuhulihing migrante.
 
Partikular, hangaring madiskubre ang kanilang mga ruta: “dadanan, sasakyang gagamitin bago mahuli” gayun din ang “programadong daanan at ang destinasyong bansa”. Lalo na ang kanilang modus operandi: “ang palsipikadong dokumento, asylum request, impormasyon ukol sa mga trafficers, ang nasyunalidad at bansa kung saan residente, mga kasabwat, at ang halaga ng bayad sa biyahe”. 
 
Ang mga pangongontrol ay gagawin sa mga border gayun din sa buong Europa, dahil na rin sa hangaring tuklasin ang bawat ikot at kilos sa loob ng mga bansa. Samakatwid, sa sinumang walang permit to stay ay dalawang linggong puno ng panganib. Ang sinumang mahuhuli, sa ilalim ng Mos Maiorum operation, maliban na lamng kung asylum seeker, ay papatalsikin at maaaring makulong sa Cie. 
 
Malaki ang pag-aalala ng mga asosasyon. Sa katunayan, ang Coordinamento Migranti di Bologna, halimbawa, ay nagpakalat ng mga flyers sa iba’t ibang wika upang magbigay impormasyon at pina-aalalahanan ang lahat: “Kung sakaling mako-kontrol o mahuhuli, ay may karapatang humingi ng asylum o international protection sa anumang oras. Kung nakapag-aplay na bilang asylum seeker ay may karapatang magsumite ulit ng panibagong aplikasyon kung may pagbabago….”
 
Hindi sang-ayon sa hindi makatao at walang halagang operasyon”, ang Cospe at sinabing ang bagong operasyon na tinawag na Mo(r)s Maiorum, ay isang "perpektong operasyon gamit ang diskarte ng mga pulis matapos ang pagkamatay ng maraming tao sa Mediterranean kung saan ang politika ng Europa ang syang responsable” at nananawagan kay Minister of Interior Alfano na “tiyakin ang karapatang pantao at ang Geneva convention for refugees”. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“No matter who you are, We can help” – DABARKADS (TGIF)

Mos Maiorum sinimulan na!