Ang bagong ‘bando’ o public announcement para sa recruitment ng ATA employees ay nangangailangan ng Italian o European citizenship, at hindi isinasaalang-alang ang bagong alituntunan sa hiring sa Public Administration. Asgi: “Baguhin ito o ipagpaliban ang deadline”.
Rome – Septiyembre 25, 2014 – Higit na sa isang taon, tulad ng nasasaad sa bagong batas na maging ang mga non-EU nationals na nagtataglay ng EC long term residence o ng kilalang carta di soggiorno, ay maaaring ma-empleyo sa Public Administration.
Tila isang exemption ang maituturing na makabuluhan, kung higit sa kalahati ng populasyon ng mga imigrante sa bansang Italya ay nagtataglay ng nabanggit na dokumento. Ngunit ang Public Administration ay patuloy sa pagbabale-wale ng nasabing batas.
Ang pinakahuling pagkakataon ay ang kaso ng Ministry of Education, na sa simula nitong buwan ng Septiyembre ay naglathala ng ‘bando’ o public announcement para sa recruitment ng mga employado nito tulad ng auxiliaries, technicians at maging sa administration para sa susunod na 3 scholastic years. Ito ay tumutukoy mula sa mga janitors hanggang secretaries, mula cook hanggang nurses.
Ngunit kabilang sa mga requirements para matanggap, gayunpaman, ay nagtatanggal na makalahok ang lahat ng mga dayuhan. Upang makapag-sumite ng aplikasyon sa katunayan ay kinakailangan ang “italian citizenship o european citizenship ng Member State”.
"Hindi makatwiran”, “makikitang isang pagkakamali”, ayon sa Asgi o Associazione per gli Studi Giuridici sull’Immigrazione. Ang batas ng Europa 2013 (L.n. 97/2013, art. 7), paalala nito, “ ay nilawakan ang access sa public functions maging sa mga “miyembro ng pamilya ng mga EU Member State at sa mga EC long term residence permit holder na tinutukoy sa Directive 109/2003 sa mga refugees at sa mga mayroong temporary international protection status.
Hinihingi ng Asgi na tanggalin ang kundisyon ng citizenship. Ayon pa sa Asgi, kailangan ding ipagpaliban ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon (kasalukuyang nakatakda sa Oct 8) upang “pahintulutan ang pagkalat ng balita at ang posibilidad na paglahok ng mga dayuhang mamamayan na patas sa kundisyon ng mga Italians at ng iba pang mga EU Member States."