in

PA – Bukas at tatanggap sa mga imigrante simula Setyembre

Kailangan ang EC long term residence permit o ang kilalang carta di soggiorno at hindi maaaring maghangad ng pwesto kung saan ginagamit ang pampublikong kapangyarihan o sa pangangalaga ng bansa. Ito ay dahil sa legge europea 2013.

Rome, Agosto 26, 2013 – Simula Sept 4 ang karapatan ng mga banyagang manggagawa ay haharap sa isang mahalagang hakbang tungo sa pantay na karapatan tulad ng mga Italians. Kahit walang italian citizenship ay maaari ng tanggapin bilang empleyado sa Public Administration.

Ito ay ayon sa European law 2013, na inilathala kamakailan sa Official Gazette na nagtataglay ng dalawang mahahalagang paalala gayunpaman. Una sa lahat, ang mga non-EU nationals ay maaari lamang lumahok sa concorsi pubblici o public competition kung carta di soggiorno holders lamang at mga refugees o mayroong alternative protection bilang status.

Bukod dito, ay maaaring maghangad ng pwesto na hindi direkta o direkta ang koneksyon bilang awtoridad o walang anumang ugnay sa pangangalaga ng pambansang seguridad. Sa madaling salita ay hindi maaaring maging pulis, hukom o militar ngunit maaaring maging guro sa mga public school, maging empleyado sa tanggapang publiko, maging nurse o duktor sa mga ospital.

Isang maliit na rebolusyon, na una nang inilabas sa pamamagitan ng ilang hatol sa mga korte alinsunod sa batas ng Europa. Ngunit ito ay isang naantalang pagsunod ng bansa kung kaya’t ang Brussels ay naghahanda na sa maaaring paglabag ng Italya.

Ngunit higit dito ang maaaring gawin ng Italya. Ang Convention Oil 143/1975, na ipinagtibay sa Italya, ay nagbibigay ng pantay na pagtingin sa pagitan ng mga dayuhang manggagawang regular na naninirahan sa bansa at manggagawang nasyunal. Samakatwid ay maraming mga dalubhasa ang nagsasabi ng pagbibigay ng pwesto sa public administration maging sa sinumang mayroong permit to stay holders lamang, sa kundisyong ito ay balido sa pagta-trabaho.

Ang tema ay naging diskusyon din sa Kamara ngunit nabigo na baguhin ito. Tinanggap lamang ang ilang ‘agenda’ ng gobyerno noong nakaraang July 31 na naghahangad na "isaalang-alang ang posibilidad” na lawakan ang ‘hiring’ sa PA.

Samantala, ang pangunahin at makabuluhang hakbang na ito ay para lamang sa mga imigrante na nagtataglay ng carta di soggiorno. At kailangang maghintay sa ‘hiring’, tila isang natatanging kaganapan sa panahon ng krisis na kasalukuyang pinagdadaanan ng bansa.

LEGGE 6 agosto 2013, n. 97.  Disposizioni per l'adempimento degli obblighi derivanti dall'appartenenza dell'Italia all'Unione europea – Legge europea 2013.
(pubblicata sulla Gazzetta Ufficiale Serie Generale n.194 del 20-8-2013)

   Art. 7
   Modifiche alla disciplina in materia di accesso ai  posti  di  lavoro   presso le pubbliche amministrazioni. Casi EU Pilot  1769/11/JUST  e   2368/11/HOME.
     1. All'articolo 38, comma 1, del decreto legislativo 30 marzo 2001, n. 165, sono apportate le seguenti modificazioni:      a) al comma 1, dopo le parole: «Unione europea» sono inserite  le seguenti: «e i loro familiari non aventi la cittadinanza di uno Stato membro che siano titolari del diritto di soggiorno o del  diritto  di soggiorno permanente»;
     b) dopo il comma 3 sono aggiunti i seguenti:      «3-bis. Le disposizioni di cui ai commi 1, 2 e 3 si applicano  ai cittadini di Paesi terzi che siano titolari del permesso di soggiorno CE per soggiornanti di lungo  periodo  o  che  siano  titolari  dello status di rifugiato ovvero dello status di protezione sussidiaria.      3-ter. Sono fatte salve, in ogni caso,  le  disposizioni  di  cui all'articolo 1 del decreto del Presidente della Repubblica 26  luglio 1976, n. 752, in materia di conoscenza della  lingua  italiana  e  di quella tedesca per le assunzioni al pubblico impiego nella  provincia autonoma di Bolzano».
   2. All'articolo 25, comma 2, del decreto  legislativo  19  novembre 2007, n. 251, dopo la parola: «rifugiato» sono inserite le  seguenti: «e dello status di protezione sussidiaria».

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anu-ano po ang mga parusang haharapin ng employer sa pagtanggap ng undocumented?

Pubblica amministrazione. Da settembre assunti anche gli immigrati