“Sa aking palagay, ang mga train tickets sa Trenitalia, pati ang mga subscription sa public transportation ay maaaring gamiting proof of presence sa Italya”.
Roma, Oktubre 2, 2012 – "Maaaring hanggang ngayong linggo ay maglabas kami ng mga paglilinaw ukol sa regularization."
Ito ang sinabi ng prefect na si Mario Morcone, Head ng Gabinete ng Ministro para sa Cooperation at Integration Andrea Riccardi. Sa isang conference, 'Religion, Culture and Integration’ na ginanap mismo sa Ministry, para kay ministro Riccardi, ang prefect ay nagsabing: "Kami, kasama ang mga tanggapan ng Interior at Labor Ministry ay sama-samang nagsusumikap upang bigyang-kahulugan sa paraang angkop at malawak ang salitang ‘organismi pubblici’, upang mapabilang ang mas maraming irregulars at magkaroon ng posibilidad ang mas marami upang mapatunayan ang kanilang pananatili sa bansa simula noong dec. 31, 2011.
"Naghahangad kami ng transparency, at hindi isang abstract formalism, sa kasalukuyang dekreto para sa regularization ng mga imigranteng manggagawa. Aming tinatalakay upang linawin ang depinisyon ng ‘organismi pubblici’ na magpapatunay ng pananatili ng imigrante mula dec 31, 2011”, paliwanag ni Morcone. “Ang mga organismong ito ay hindi limitado lamang sa public administration. Personally – dagdag pa ni Morcone – iniisip ko na maging ang mga train ticket ng Trenitalia pati ang mga public transportation subscription ay maaaring gawing patunay”.
"Mahalagang – paglilinaw pa nito- ang mga bagong pamantayan ay may unipormeng aplikasyon sa buong Italya at nagsusumikap kaming gayon ang maganap." Ayon pa kay Morcone, maraming mga Patronati na nagpapadala ng mga aplikasyon para sa mga imigrante, ay naghihintay ng mga paglilinaw ukol dito. "Kami ay nagsusumikap na palawakin ang mga katibayan ukol sa pananatili sa bansa upang bilang resulta – pagtatapos pa nito – madagdagan ang mga aplikasyon”.