in

‘Reato di clandestinità’ – simula ng tuluyang pagtatanggal

Inaprobahan ang susog ng Movimento 5 Stelle sa komisyon: “Ang pagiging krimen ay walang saysay, nagpapabigat lamang sa mga gastusin”. Sang-ayon ang gobyerno, Chaouki ( PD ) : “Isang magandang balita . Lega Nord handang labanan: “PDL at Alfano, maging makatwiran”

Rome – Oktubre 10, 2013 – Ang Justice Committee sa Senado, sa pagsusuri sa ddl, ay inaprubahan kahapon ang isang panibagong susog na nagtatanggal sa krimen ng iligal na pagpasok at pananatili sa bansa o ang kilalang “reato di clandestinità”.

Ito ay isinulong ng mga senador ng 5 Stelle na sina Maurizio Buccarella at Andrea Cioffi, at pumasa dahil sa boto na rin ng PD at ng Sel at ng positibong opinyon ng gobyerno. Ito ay ang unang hakbang lamang, dahil ang susog ay kukumpirmahin maging sa Palazzo Madama at maging sa House of Representatives, at maaaring magtanggal sa isa sa pinaka kontrobersyal na aspeto ng imigrasyon na isinulong ng Lega Nord at Pdl sa pamamagitan ng batas sa imigrasyon noong 2009.

Sa kabila nito, bigay-diin ng M5S “mananatili pa rin ang pagpapatalsik at ang ibang ukol dito na napapaloob sa Bossi-Fini law. Ngunit ang krimen ng pagiging iligal ay walang nalutas bagkus ay nagpalaki lamang sa mga gastusin para sa Katarungan, nabawasan ang seguridad sa kalsada, ng hindi ito tunay na nilalabanan at ang paglubha sa pananamantala.

"Ang clandestino – dagdag pa ng M5S – ay mananatili pa ring iligal, ngunit magiging mas madali ang pagpapatalsik. Dahil sa susog na ito, ang pagpapatalsik sa mga iligal ay magpapatuloy sa pamamagitan ng sibil na paraan, walang istorbo, walang kinakailangang bureaucratic expenses (na nakakabigat sa bulsa ng mga Italians), na matutulungan at masasagip ang mga taong makikita sa gitna ng karagatan ng walang katatakutang paglabag sa batas. Hindi na natin hahayaang may mamatay tulad sa mga huling kaganapan, may higit na seguridad, higit na batas at higit na makatao”.

Ipinaliwanag ni Dep. of Justice Undersecretary Cosimo Maria Ferri ang aprobasyon buhat sa gobyerno: “Ang kaparuhasang penal ay lumalabas na hindi makatwiran at ang multa ay walang saysay dahil ang isang migrante ay walang anumang yaman. Bukod dito, ang bilang ng mga tao na maaaring mahatulan ay malamang na makabigat sa hustisya ng bansa lalo na sa mga piyer

"Kailangang ayusin ng estado ang proseso ng pagpasok ng mga migrante na aangkop sa kongkretong bilang na maaaring matanggap ng bansa – ayon kay Ferri – at ito ay hindi lamang para sa public order, at maging sa humanitarian reasons. Sa mga tao na nagtangkang tumakas mula sa malupit na sitwasyon sa buhay at karaniwang hindi makatao ay kailangang bigyan makataong pagtanggap. Kailangan, sa halip, na patuloy na parusahan ang sinumang nananamantala at higit na nagpapalaganap ng patuloy na migrasyon na nagiging sanhi ng trahedya sa Lampedusa”.

"Ang positibong opinyon ng gobyerno at ang aprubasyon ng gobyerno sa susog na nagtatanggal sa krimen ng iligal na imigrasyon ay nagbibigay ng 2 mahalagang pagbabago”, ayon kay Khalid Chaouki, responsabile ng Nuovi Italiani ng PD. “Sa pamamagitan ng boto sa Justice committee sa Senado ay bagong simula, at sa lalong madaling panahon, ay magbubura sa kasuklam-suklam na krimen na ipapataw sa mga nakaligtas sa trahedya at magbibigay pundasyon para sa isang bagong batas ng imigrasyon . "
 
Isang “mabuting balita” para kay Andrea Mazziotti, pinuno ng Scelta Civica. “Inaasahan ko na ang susog ay makapasa rin sa Palazzo Madama at sa Kamara. Palagi naming sinasabi na ito ay isang krimen na hindi makatotohanan at hindi ito makaka-ambag sa kahit anong paraan upang mabawasan ang mga pagdaong ng iligal na imigrasyon. Dahil dito ay aming sinuportahan maging ang referendum at magiging maganda kung ang parlyamento ay nanaising iwasan ang apela sa boto ng referendum. Para dito at para sa ibang tema tulad ng sa katarungan . "

Ang Lega Nord, sa halip ay naghayag ng hindi pagsang-ayon. “Ang pagtatanggal sa krimen ay isang kahihiyan. Ito ay isang mensahe na naghahayag sa mga sandaling ito ng kabawasan sa seguridad at ang pagbuhos ng mga migrante sa bansa. Lalabanan namin ito at ibabalik ang krimen”, ayon kay Massimo Bitonci . "Maging makatwiran si minister Alfano at ang lahat ng kinatawan ng Pdl sa lahat ng kanilang sinabi at ginawa hanggang sa kasalukuyan at magbigay ng solusyon sa malaking pagkakamaling ito dahil ang pagtatalaga sa krimen ay dahil rin sa kanilang boto sa nakaraang lehislatura sa pamamgitan ng security act ni Minister Maroni”.

Samantala, hindi malinaw, ang posisyon ng Pdl. Ang Lega ay inaakusahan ang mga senador ng Pdl sa pagsang-ayon sa susog, gayunpaman ay walang kumpirmasyon ukol dito. Kinakailangan ang isa pang bersyon ng ilang senador na humiwalay sa grupo at maaaring nalilito pa rin, ang ilan ay mabilis na bumoto ng di pagsang-ayon at ilan naman ay ang kabaligtaran at mabilis na humiling ng pagtatama sa kanilang mga boto. Samantala, isang tweet buhat sa dating Minister Mariastella Gelmini: “Abolito il reato di clandestinità? Ma siamo impazziti?”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The founding of the Patriotic Order of the Supremo Andres Bonifacio

Pagtanggi ni Grillo: “Mali ang pagtatanggal sa reato di clandestinità”